Friday , January 27 2023

Cardinals pinagulong ng Pirates

DIRETSO ang last year’s runner-up Lyceum of the Philippines Pirates sa kanilang pamama­yagpag matapos itaob ang naghihingalong Mapua University Cardinals, 92-76 sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Umarangkada sa second quarter ang Pirates upang hawakan ang 20-point lead, 53-32 sa halftime at hindi na lumingon sa likuran hanggang sa matapos ang laban.

Nagtala si reigning Most Valuable Player (MVP) CJ Perez ng 20 points upang ilista ang 14-1 karta ng Intramuros-based squad Lyceum at ipalasap sa kanilang kapit-bahay na Cardinals ang pang 11 talo sa 15 laro.

Samantala, kahit wala nang pag-asa sa semifinals, ipinakita pa rin ng Emilio Aguinaldo College Generals ang kanilang tikas.

Lumaban nang sabayan ang Generals upang sikwatin ang 78-70 panalo laban sa Arellano University Chiefs sa unang salang.

Kumana si Jerome Garcia ng game-high 25 points, anim na rebounds at limang assists habang nilista ni JP Magullano ang double-double na 15 puntos at 10 boards para sa Generals na kinalawit ang pangalawang sunod na panalo.

May 4-12 card ang EAC at para kay coach Ariel Sison kailangan nilang ibuhos ang kanilang lakas sa natitirang laban.

“We want to finish the season strong,” saad ni Sison. “The good thing now is that were showing teamwork and I can see the desire in the players.”

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Henry Calacday

Calacday, Tayag, Soliman kalahok sa Tarlac chess tourney

MANILA — Pangungunahan nina Henry Calacday, Jesus Tayag, at Arnold Soliman ang pagtatangol sa probinsiya …

Martin Romualdez Justin Brownlee

Pagbati kay Brownlee ipinaabot ng Speaker

IPINAABOT ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbati sa basketball player na si …

Racasa Chess

PH woodpusher Racasa sasabak sa Indonesia

MANILA — Matapos magkampeon sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School …

Jan Emmanuel Garcia Herky Del Mundo MARLON BERNARDINO Chess

IM Garcia naghari sa Del Mundo Open Rapid chess tourney

MANILA — Pinagharian ni International Master (IM) Jan Emmanuel Garcia ang Sir Herky Del Mundo …

Mark Jay MJ Bacojo Chess

PH bet MJ Bacojo 2nd sa Hong Kong chess tilt

ni Marlon Bernardino MANILA — Iwinagayway ni National Master Mark Jay “MJ” Daños Bacojo ang …

Leave a Reply