Tuesday , March 21 2023

Clarkson ibabandera ng Team Philippines

MAGANDANG balita para sa mga basketball fans, dahil puwede nang maglaro  si Jordan Clarkson para sa pambansang koponan sa pagbubukas ng 18th Asian Games.

Matapos ihayag ni Team Pilipinas chef de mission Richard Gomez na pumayag ang National Basketball Association (NBA) na makapaglaro si Clarkson para sa Pilipinas sa unang pagkakataon sa kada apat na taong multi-sports na torneo na magbubukas simula Agosto 18 at magtatapos sa Setyembre 2.

“NBA gave the nod allowing JC (Jordan Clarkson) to play at the AG (Asian Games),” pahayag ni Goma.

“We will have to plead to INASGOC (Indonesia Asian Games 2018 Organizing Committee) and OCA (Olympic Council of Asia) for his re-entry to play. JC will take the earliest flight available to Jakarta to make it to our game against Kazakhstan. Thanks,” dagdag pa nito.

Una nang napilitan ang dele­gasyon ng Pilipinas sa isina­gawang delegation registration meeting (DRM) na alisin si Clarkson sa pinal na 12 kataong lineup ng basketball team matapos na sabihan ng NBA na hindi ito maaaring makapaglaro.

Pinalitan ni Don Trollano ng TNT si Clarkson subalit asam ni Gomez na pumayag muli ang OCA at INASGOC na palaruin ang Fil-American na point guard ng Cleveland Cavaliers.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply