Saturday , March 25 2023
Anthony Davis, Dwight Howard, LA Lakers, NBA

Howard umaming nakabulyawan si AD

NAGING malaking balita sa social media ang naging sigawan nina Anthony Davis at Dwight Howard sa pagkatalo ng Los Angeles Lakers laban sa Golden State Warriors.

Nang tanungin si Howard tungkol sa bulya­wan nila pagkatapos ng laro, naging bokal ang Lakers big man sa kato­tohanan ng iringan nila ni Davis. Pero agad namang napayapa ng kanilang teammates ang dalawa.

“Oh, yeah. We squashed it right then and there,” sabi ni  Howard sa Lakers postgame presser. “We just had a disagreement about something that was on the floor. We’re both very passionate about winning. We didn’t wanna lose this game.”

Ipinunto ni Dwight, ang tensiyon sa pagitan nila ni Davis ay dahil sa pareho nilang gustong manalo ang Lakers. Nakiusap is Howard na huwag nang palakihin ang isyu. Naayos na nila ang nasabing problema.

“We’re grown men. Things happen. But we already talked. Squashed it. There’s no issue between me and him. That’s my brother. That’s what I told him… We’re good. We squashed it. There’s no need to try to try to make it bigger than something else,” pagpapatuloy ng  Lakers center.

May problema o wala, nangangapa ang Lakers sa huling dalawang laro nila ngayong season. Patuloy pa rin nilang hinahanap ang ‘rhythm’ para masungkit ang unang panalo sa liga.

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …