Wednesday , March 22 2023

Letran kumapit sa no. 3

NAKAKAPIT sa No. 3 spot ang Letran Knights matapos tuhugin ang 89-79 panalo kontra naghihingalong Jose Rizal University Heavy Bombers sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

Solo sa pangatlong puwesto ng team standings ang Intramuros-based squad Letran kapit ang 10-4 record nasa pang-apat ang Perpetual Help Altas na may 9-5 karta matapos kaldagin ang Mapua University, 88-71 sa unang laro.

Nalasap naman ng Heavy Bombers ang pang 13 talo sa 15 laro.

Kumana sa opensa si rookie Koy Galvelo na nagtala ng 16 points ha­bang 14 ang inambag ni veteran Bong Quinto.

“Good thing, naga-guide yung bench ng mga leaders at yung mga leaders, willing mag-sacrifice,” saad ni Letran head coach Jeff Napa.

Si Jed Mendoza ang kumana sa opensa para sa Heavy Bombers, nirehistro ang 25 points, limang assists at apat na rebounds.

Nilaglag naman ng Emilio Aguinaldo College sa magic four ang College of Saint Benilde matapos itarak ang 69-67 panalo sa pangalawang laro. (ARABELA PRINCESS DAWA)

 

Letran 89 – Galvelo 16, Quinto 14, Calvo 13, Muyang 11, Taladua 11, Fajarito 8, Ambohot 7, Yu 5, Celis 2, Mandreza 2, Agbong 0, Balagasay 0

JRU 79 – Mendoza 25, Dela Virgen 16, Esguerra 11, Aguilar 9, Silvarez 7, Mallari 4, Santos 4, Estrella 3, David 0, Padua 0, Doromal 0, Dela Rosa 0

Quarterscores: 22-19; 57-38; 73-54, 89-79

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply