Sunday , November 24 2024

News

Yorme positibo sa CoVid-19

Isko Moreno

NAGPOSITIBO sa CoVid19 si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Kinompirma ito ng Manila Public Information Office kahapon. Agad dinala si Moreno sa Sta. Ana Hospital matapos lumabas ang resulta ng kanyang RT-PCR test. “Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” ani Moreno sa isang kalatas. Tiniyak ng alkalde na hindi mauudlot ang operasyon at …

Read More »

Coconut farmers, biktima ng red-tagging

Coconut

HINDI nakaligtas sa red-tagging ng militar ang mga magniniyog habang umaarangkada ang pagpaparehistro para sa P113-bilyong halaga ng programa para sa kanila mula sa coco levy fund alinsunod sa Republic Act No. 11524, o ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act. Kahit katuwang ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang Bantay Coco Levy Alliance sa pagpaparehistro ng coconut farmers sa …

Read More »

P170-M gadgets binili ng DICT sa construction firm

ni ROSE NOVENARIO SA ISANG construction firm binili ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang gadgets na nagkakahalaga ng P170 milyon, ayon sa 2020 COA annual audit report.               Nakasaad sa ulat ng COA, binili ng DICT ang 1,000 laptops, 26,500 tablets, ar 1,001 pocket wifi dongles mula sa isang kompanya na, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), …

Read More »

2 motorsiklo nagkabanggaan
BUNTIS PATAY, 3 IBA PA SUGATAN

road accident

PATAY ang isang buntis na babae habang sugatan ang tatlong iba pa kabilang ang kanyang live-in partner matapos madisgrasya ang sinasakyan nilang motor­siklo sa Brgy. Guinhalaran, lungsod ng Silay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes, 6 Agosto. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Aizel Legaspi, 21 anyos, residente sa naturang barangay, samantala sugatan ang kanyang kinakasamang si Mark Olvido, …

Read More »

Lolong estapador timbog sa Bulacan

arrest prison

INARESTO ng pulisya ang isang matandang lalaking malaon nang pinaghahanap ng batas dahil sa sapin-saping mga kaso ng estafa na kinahaharap sa korte sa lalawigan ng Bulacan. Nagresulta sa pagkakakadakip ng suspek sa Brgy. Poblacion, bayan ng San Ildefonso, sa nabanggit na lalawigan, ang magkasamang manhunt operation ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS) at mga miyembro ng 2nd at 3rd Maneuver …

Read More »

Nasita sa curfew
BEBOT ARESTADO SA SHABU

arrest posas

BAGSAK sa kulungan ang isang babae matapos makuhaan ng shabu makaraang masita sa curfew hours sa Malabon City, kanakalawa ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na kinilalang si Rejean Magno, 30 anyos, residente  sa M. H. Del Pilar St., Brgy. Maysilo. Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jerry Basungit, habang …

Read More »

RT-PCR testing sa Navotas, 24/7 na

Covid-19 Swab test

PARA masigurong ang mga violators ng health at quarantine protocols sa Navotas ay agad matest sa CoVid-19, pinalawig ng pamahalaang lungsod ang oras ng trabaho ng community testing facility sa Navotas Sports Complex. Ang facility ay naga­wang makapag­sagawa ng libreng RT-PCR swab test ng 24 hours kada araw. “Prompt and timely swab testing of individuals — whether violators, close contacts …

Read More »

Proyektong ‘swine repopulation’ ipatutupad sa Bulacan

DANIEL FERNANDO Bulacan

MATAPOS ang dalawang taong pamemeste ng African Swine Fever (ASF) na naging sanhi ng pagkamatay ng mga baboy mula noong 2019 hanggang 2020, nakakakita na ng pag-asa ang may 7,000 nag-aalalaga ng baboy sa lalawigan ng Bulacan sa paglulunsad ng pama­halaang panlalawigan ng Swine Repopulation Project. Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando, nag­simula na ang Panla­lawigang Tanggapan ng Paghahayupan ng …

Read More »

Tulak todas sa enkuwentro
10 drug suspects nasakote

BINAWIAN ng buhay ang isang tulak samantalang nadakip ang 10 pang personalidad sa droga sa pagpapatuloy ng opera­syon ng pulisya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang napatay na suspek na si Tony Cabas, residente sa Brgy. Addition Hills, lungsod ng Man­daluyong. Napag-alaman ang …

Read More »

Drug den sa Angeles sinalakay, 8 adik tiklo

shabu drug arrest

ARESTADO ang walong personalidad na sangkot sa droga kabilang ang isang menor-de-edad matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng gabi, 6 Agosto. Sa ulat mula kay PDEA Central Luzon Chief, Director III Bryan Babang, ikinasa ang operasyon ng mga ahente ng PDEA Pampanga Provincial Office sa 6 St., …

Read More »

Kumagat sa pain
RAPIST NG DALAGITA ARESTADO SA VALE

prison rape

NAGWAKAS ang pagtatago ng isang 19-anyos lalaking nahaharap sa kasong panggagahasa matapos itong kumagat sa pain ng pulisya nang muling makipagkita sa biktima kahapon ng hapon sa Valenzuela City. Kinilala ang suspek na si Mark Jayson Pasamonte, residente ng De Castro Purok 4, Brgy. Mapulang Lupa, Ugong ng nasabing barangay, nahaharap sa tatlong bilang na kasong rape at paglabag sa …

Read More »

Panawagan sa LGUs:
PAGBABAKUNA AYUSIN MAIGI

NANAWAGAN si ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran sa mga local government units na ayusin ang kanilang vaccination procedure sa harap ng pagsugod ng mga tao sa vaccination sites kahit walang schedule ang mga ito. Nababahala ang House Asst. Majority Leader sa nababalitaan nyang pagkakagulo ng mga tao sa vaccination sites. “Ang mga LGUs ang lumilikha ng super spreaders dahil …

Read More »

Pagpatay sa Muslim trader sa Nueva Ecija kinondena

Mujiv Hataman Nadia Casar

KINONDENA ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pag patay sa isang babaeng Muslim trader sa Nueva Ecija. Ayon kay Hataman dinukot ang babae ng mga pulis at sinunog ang kata­wan nito para pagtakpan at mawala ang ebidensya sa karumadumal na krimen. Nanawagan si Hataman kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na paimbestigahan ang pagdukot, pagpatay at pagsunod …

Read More »

Bawiin ang prankisa ng Maynilad at Manila Water — Deputy speaker

Maynilad Manila Water

NANAWAGAN si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa liderato ng Kamara de Representan­tes na bawiin ang prang­kisa ng dalawang dambuhalang kumpanya na may konsesyon sa tubig sa Metro Manila. Ayon kay Rodriguez madami sa mga kongresista ang nawalan ng pagkakataon na busisiin ang 25-taong prangkisa ng dalawang kumpanya. “As a deputy speaker, I am ex-officio member of all committees. I never …

Read More »

11 PCOO employees patay sa Covid-19

ni ROSE NOVENARIO UMABOT na sa labing-isang kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at attached agencies nito ang nasawi dahil sa CoVid-19. Nabatid ito sa update na ibinahagi ni PCOO Assistant Secretary JV Arcena sa media kahpon. Batay sa datos ng PCOO, naitala na 535 opisyal at kawani ng PCOO ang dinapuan ng Covid-19, kasama rito si Secretary Martin …

Read More »

Rico ginawan ng kanta si Hidilyn (Ted nagbirong bibigyan ng P2K si Hidilyn)

Rico Blanco Hidilyn Diaz Ted Failon

BONGGA si Hidilyn Diaz dahil muling nag-record si Rico Blanco ng acoustic version ng Alab ng Puso, para idedicate sa kanya. Ang Alab ng Puso ay dating kanta ng Rivermaya, na dating grupo na kinabibiangan ni Rico. Na-inspire si Rico sa pagkapanalo ni Hidilyn ng gold medal sa weightlifting competition sa Tokyo 2020 Olympics, kaya ginawan nga niya ito ng kanta. Sabi ni Rico sa kanyang Youtube channel, hindi siya makapaniwala …

Read More »

Mag-asawa itinumba ng tandem sa Kyusi

gun QC

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang mag-asawa habang sakay ng motorsiklo ng riding-in-tandem na dumikit sa kanila sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi. Ang mga biktima ay kinilalang sina Leo Dotado Gupit, 29, may asawa, sari-sari store owner, at ang misis niyang si Lyn Alcos-Gupit, 28, housewife, kapwa residente sa Aguinaldo Street, Pasong Tamo, Quezon City. Sa report ng Criminal Investigation …

Read More »

ECQ sa NCR, mas estrikto ngayon — Año

Metro Manila NCR

MAS magiging mahigpit ngayon ang ipatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila simula 6 Agosto hanggang 20 Agosto, kompara sa mga naunang ipinatupad na lockdown. Ito ang paniniyak ni  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año. Ang lahat ng mga lalabag sa ipinaiiral na minimum public health standards (MPHS) ng pamahalaan ay sisitahin muna …

Read More »

31 probinsiya no CoVid-19 testing center

Covid-19 Swab test

MAHIGIT isang taon nang nararanasan sa bansa ang pandemya ngunit natuklasan na 31 probinsiya ang wala pa rin accredited CoVId-19 testing center. Pahayag ito ng Coalition for People’s Right to Health (CPRH) kaugnay sa isinusulong na kampanyang #DapatLapat o libreng testing at pagpapagamot sa CoVid-19 upang malaman nang tuluyan ang totoong bilang ng kaso at matigil ang tila walang katapusang …

Read More »

Digong naghanap ng damay
PATAYAN SA DRUG WAR, ISINUMBAT SA BAYAN

ISINUMBAT ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayan ang nakinabang sa mga patayang naganap sa limang-taong mahigit na pagsusulong ng drug war ng kanyang administrasyon at hindi siya o ang kanyang pamilya. May 40 minuto ang ginugol ng Pangulo para murahin ang mga kritiko ng kanyang drug war bukod sa naglitanya ng “accomplishments” ang ilang miyembro ng kanyang gabinete imbes tugon …

Read More »

Duterte patay kung patay ‘di pahuhuli nang buhay sa ICC

ni Rose Novenario INILANTAD ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labis na takot sa posibilidad na litisin siya sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity of murder kaugnay ng libo-libo kataong napatay sa isinusulong niyang drug war.  “Alam mo kung gusto talaga ninyo akong… It’s over my dead body. Makuha ninyo ako, dalhin ninyo ako roon sa Netherlands… …

Read More »

Trike driver tinubo ng Nigerian patay

dead

NAPATAY ng isang Nigerian national ang isang tricycle driver nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Brgy. Lucao, lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan, nitong Lunes, 2 Agosto. Kinilala ang biktimang si Dennis Razo, 41 anyos, residente sa Brgy. Lucao. Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang traysikel nang lapitan ang suspek na kinilalang si Emmanuelemeka Endukwe, 31 anyos, isang …

Read More »

Lumang tulay na bakal sa Negros bumagsak 1 sugatan, 15 nasagip

PANSAMANTALANG isinara sa mga tao at mga motorista ang isang tulay sa Brgy. Balabag, sa lungsod ng La Carlota, lalawigan ng Negros Occidental habang isinasagawa ang pag-aayos matapos bumagsak habang tumatawid ang tatlong sasakyan nitong Linggo, 1 Agosto. Unang naiulat na naganap ang insidente sa Hacienda La Plata, Purok Bagumbayan, Brgy. Don Jorge L. Araneta, sa lungsod ng Bago, ngunit …

Read More »

P510-M shabu nasamsam sa Bulacan Chinese national todas sa drug bust

NAPASLANG ang isang Chinese national habang nakompiska ang tinatayang P510-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation na ikinasa ng mga awtoridad na nauwi sa enkuwentro sa Warehouse No. 3 Grand SG, Brgy. Borol 2nd, sa bayan ng Balagtas, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng hapon, 1 Agosto. Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police …

Read More »

P1.7-M shabu kompiskado sa 2 kelot

shabu

NAKOMPISKA ng mga pulis ang P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang lalaki sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Taguig City Police Station, Philippine Drug Enforcement Group (PDEG), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa Barangay Lower Bicutan, ng lungsod, nitong Lunes. Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief …

Read More »