Wednesday , August 10 2022
Lala Sotto Antonio Bongbong Marcos BBM

Anak ni Tito Sotto na si Lala itinalaga ni PBBM bilang bagong MTRCB Chair

ANG anak ni Senate President Tito Sotto na si Lala Sotto-Antonio ang bagong nadagdag sa mga bagong appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kahapon nanumpa si Sotto-Antonio bilang bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Bago ito’y naibalita namin noong July 6 na ang beteranong aktor na si Johnny Revilla ang na-appoint bilang bagong chairman ng MTRCB. Nanumpa pala si Revilla bilang board member at hindi bilang chairman.

Samantala, ibinahagi ni Lala sa kanyang social media accounts ang ilang litrato matapos ang oathtaking sa Palasyo ng Malacañang.

Si Sotto-Antonio ang pumalit sa dating chairman of the board na si Atty. Jeremiah Jaro.

Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagtatalaga sa akin bilang kinatawan o chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board,” ani Lala sa kanyang speech.

Bago ang appointment sa MTRCB, nagsilbi muna si Lala bilang Quezon City councilor sa loob ng 18 taon.

At noong Mayo 9  tumakbo si Lala bilang second nominee ng AGAP Party-list (representante ng mga magsasaka) ngunit isang puwesto lamang ang nakuha nila para sa  19th Congress.

Thanking the President for the trust and confidence. I believe she will do well given her background.

“Besides, she has two excellent women former chairpersons to emulate, Sen. Grace Poe and Congresswoman Rachel Arenas,” mensahe naman ni Tito Sen.  (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maid in Malacanang Showing

Maid in Malacanang dagsa ang nanonood

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang Maid in Malacanang huh.  Hindi pa man nagbubukas ang mga sinehan …

Isko Moreno Domagoso Family Paris

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila …

Maja Salvador Joey Marquez Oh My Korona Ricky Victoria

Maja kay Joey naman makikipagbarubalan

COOL JOE!ni Joe Barrameda I am so proud of Maja Salvador. Multi-talented talaga siya. Ngayon sa …

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …

Cloe Barreto

Cloe aminadong baliw sa pag-ibig — Walang bawal, bawal!

MA at PAni Rommel Placente SI Sean de Guzman ang bida sa pelikulang The Influencer mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions. …