Sunday , April 2 2023
Ella Cruz Pokwang

Pokwang nilait ng netizens dahil kay Ella Cruz

MATABIL
ni John Fontanilla

NILAIT-LAIT ng netizens si Pokwang nang mag-post ito sa kanyang social media  at nagkamali ng spelling sa binitiwang pangaral kay Ella  Cruz.

Sagot ng mga netizen sa post nito na  nagawang sermunan at pangaralan ang young actress ukol kasaysayan pero hindi naman daw niya nagawang itama ang spelling ng iodine.

Nag-tweet kasi kamakailan si Pokwang ng, “Nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang-ayon sa’yo nak dahil mali! maling mali… Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak, mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino raw ‘yan #Aryana.” 

At dahil nga sa maling spelling ng iodine  ay inulan ito ng grabeng panlalait mula sa mga netizen ang komedyana at ilan dito ay ang mga sumusunod.

“Yan ang karma sa mga epal makabobo wagas eh spelling palang bagsak na hahaha boomerang lang!”

‘Mangagaral about History, Spelling lang ng IODINE mali pa!’

“Nagmamagaling kasi feeling matalino.”

“Yan ang kailangan ni pokie IODINE para naman madagdagan talino nya.”

“Nagmamagaling kasi yang laos na artista na yan.”

At nang mabasa ito ni Pokwang ay agaran naman nitong sinagot ang bira ng mga basher.

“O yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kaysa naman kulang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!! Dadamihan ko pa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na?…Pinuna maling spelling pero pang bababoy sa kasaysayan hindi????? Ano na???”  

About John Fontanilla

Check Also

Tiffany Grey Robb Guinto Jiad Arroyo Quinn Carrillo Paupahan Vivamax

Paupahan, hindi dapat palagpasin sa Vivamax simula April 8 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAABANG-ABANG ang pelikulang Paupahan na mapapanood na sa Vivamax sa April 8, …

Rey Valera RK Bagatsing

RK Bagatsing, kinarir ang pagganap bilang Rey Valera

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio GRATEFUL si RK Bagatsing na sa kanya ipinagkatiwala ang pagganap bilang …

Gladys Reyes

Gladys  iyak ng iyak sa celebrity screening ng Apag

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL at hindi naiwasang maiyak ni Gladys Reyes sa special celebrity screening at press …

Eisel Serrano Carlo Aquino

Eisel Serrano natakot kay Carlo Aquino

MATABILni John Fontanilla VERY honest ang baguhang aktres na si Eisel Serrano na isa si Carlo Aquino sa showbiz …

Camille Prats

Camille naibalik nawalang cellphone sa concert

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mabuting puso ang motorcycle delivery service na naghatid ng cellphone …