Thursday , June 4 2026
Bogs Ardiente

Pelikula ng actor/musician Bogs Ardiente tampok sa Sine Filmfest Toronto

RATED R
ni Rommel Gonzales

BIDA ang actor/musician na si Bogs Ardiente sa independent film na, Tingga na ipalalabas ngayong Sabado, March 7 sa Sine Film Festival Toronto (TIFF Lightbox).

Sa pelikula ay isang blue-collar worker si Bogs na magiging sunod-sunuran sa isang misteryosong boses na kokontrolin ang mga desisyon niya, hanggang sa makarating siya sa madilim na landas ng pagnanasa, panloloko, at panganib.

Kung kailan akala niya ay nawawala na siya sa sarili, biglang mawawala ang mahiwagang boses at iiwan siya para haraping mag-isa ang mga problema.

Sa desperadong paghahanap ng mga kasagutan, may matutuklasan siyang isang nakagigimbal na katotohanan na makapagpapabago sa lahat.

Ang Tingga ay idinirehe ni Filbert Wong at ang Siné Film Fest ay gaganapin March 6-8 sa TIFF Lightbox.

Samantala, going back to Bogs, bukod sa pag-arte ay passionate ito bilang isang musikero, isang kaliweteng gitarista at mang-aawit, ang banda niya ay naitampok na sa isang documentary at nag-tour na sa Toronto hanggang Montreal.

Ang mga music at performance highlights niya ay ang: Band documentary release,

Documentary tour mula Toronto hanggang Montreal, Upcoming concert sa March 21 at Filipino TV Studio, Upcoming Album Release ngayong taon, Performed at Taste of Manila, Performed at Extravaganza, Opened for major Filipino artists including Parokya Ni Edgar, Kamikaze, Nobita, Sponge Cola, Asin, Aegis, Ian Veneracion, at December Avenue.

Ang career goal ni Bogs ay maging isang matagumpay na artist sa pelikula at musika habang patuloy na pinatitibay ang kanyang pundasyon bilang isang matagumpay na negosyante.

Si Bogs ay isang Filipino actor, musician, songwriter, at performer na may matinding presence sa screen at sa stage.

Nagtapos ng kursong Bachelor of Science major in Criminology sa Jose Rizal University (at isang dating varsity tennis player) at ng High School sa Aurora National High School-SPA at sa Zamboanga del Sur Sports Academy, disiplinado, dedicated at competitive si Bogs bilang isang artist.

Ang mga talent at skill ni Bogs ay singing,  songwriting, playing the guitar, live stage performance, athletics (tennis), at isang content creator maymahigit 30,000 followers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …