Sunday , May 19 2024
Bongbong Marcos Tirso Cruz III

Pip bilang bagong FDCP chair — I am honored… mabigat na trabaho 

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG veteran at award-winning actor na si Tirso Cruz lll ang itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang bagong pinuno ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Pinalitan na nito si Liza Dino.

Noong Martes, nanumpa si Tito Pip sa Malacanang kay Pangulong BBM.

Sa pahayag ng aktor sa ABS-CBN News, sinabi niyang hindi niya akalain na mahihirang siya sa nasabing posisyon. 

“I am honored I was chosen. Mabigat na trabaho ito at kailangan ko rin ng tulong ng council,“ sabi ni  Tirso.

Gayunman, iginiit ni  Tito Pip na ang kailangang unawain din ng lahat na ang pagiging artista pa rin ang kanyang bread and butter.

Kaya kahit may posisyon na sa gobyerno ay hindi pa rin iiwan ni Tito Pip ang pag-aartista. Regular pa rin siyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Congratulations Tito Pip. Naniniwala kami na magagampanan mo nang mabuti at tapat ang posisyon na iniatang sa ‘yo ng ating pangulo.

About Rommel Placente

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …