Monday , August 8 2022
Lolit Solis Ella Cruz

Lolit kay Ella Cruz — Walang kakwenta-kwentang starlet

MA at PA
ni Rommel Placente

PINAG-UUSAPAN pa rin hanggang ngayon ang naging pahayag ni Ella Cruz ukol sa history sa mediacon ng pelikulang ginawa niya. Na aniya ay parang tsismis lang ito, na parang pinalalabas niya na walang katotohanan ang history at gawa-gawa lang.

Siyempre, marami ang nag-react, lalo na ang mga educator at historian sa naging pahayag na ito ni Ella.  May mga netizen pa na nagsabi na tanga o bobo raw ang young actress dahil hindi niya alam ang pagkakaiba ng history sa tsismis.

Isa sa nag-react kay Ella ay si Manay Lolit Solis. Sa kanilang online show  ni Mr. Pooh na Take It! Take It! ay napag-usapan nila si Ella.

Tanong ni Mr. Pooh kay Lolit. “Ano naman masasabi mo kay Ella Cruz? Kilala mo ba si Ella Cruz?” 

Sagot ni Lolit, “Alam mo, bilib ako sa utak niya. Imagine mo, isa siyang walang kakuwenta-kuwetang starlet?”

Nang marinig ni Mr. Pooh ang sinabing ito ni Manay Lolit ay tumawa ito ng bongang-bongga, saby sabing,“Grabe.”

Pagpapatuloy ni Manay Lolit, “’Di ba, walang kakwenta-kwentang starlet, na ngayon ay pinag-uusapan na.”

Singit naman Mr. Pooh, “In fairness, pinik-ap ‘yung kanyang statement.”

“Ang galing, ‘di ba? Sinong makakaisip niyon, ‘di ba? Tinalbugan niya talaga lahat?” sabi ni pa Manay Lolit.

Sundot naman ni Mr. Pooh, “Oo! ‘Di ba, talagang may picture siya? Tapos may couch siya roon. Tapos may nakalagay doon, Ella Cruz.”

Pagsang-ayon naman ni Manay Lolit, “Kaya nga, biro mo biglang, tsuk!. Sino siya?”

“’Di ba? Say mo, biglang nag-trending,” sabi naman ni Mr. Pooh.

 “At nag-react lahat. Dahil hindi mo akalain na may isa palang bobitang ganito kabobong tao.”

May payo namang ibinigay si Mr. Pooh kay Ella. “Basta Ella Cruz, alamin lang natin, ang history is history. Tsismis is tsismis, magkaiba ‘yun, ‘di ba? Kasi history is based on facts. Okey? Ang tsismis, eto, nagtsistsismisan tayo, magkaiba ‘yun. Hindi natin pwedeng i-enterwine. ‘Yun lang ‘yun. Kaya ka nag-trending. Pero congratulations. Kasi, napag-usapan ka. Trending ka ngayon.”

About Rommel Placente

Check Also

Tommie Mopia Gawad America award

US base entrepreneur/producer Tommie Mopia Gawad America awardee

RATED Rni Rommel Gonzales IPINANGANAK at lumaki sa Pilipinas, sa Iloilo, si Tommie Mopia at nag-migrate sa …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng …

Tonton Gutierrez Gil Cuerva Gabby Garcia Khalil Ramos

Tonton natameme sa galing ni Gil Cuerva

COOL JOE!ni Joe Barrameda REVELATION si Gil Cuerva huh. Nahasa na sa galing umarte.  Dati walang kalatoy-latoy …

Mikee Quintos Lianne Valentin

Mikee natatalbugan ng kontrabida

COOL JOE!ni Joe Barrameda Kung sa seryeng Lolong ay marami ang sumusubaybay sa Primetime ng GMA, ang Apoy Sa …

Rob Guinto Purificacion

Rob Guinto ‘di lang paghuhubad na-challenge rin sa Purificacion

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Rob Guinto sa tampok sa pelikulang Purificacion na …