Monday , August 8 2022
Zoren Legaspi Lianne Valentin Maricel Laxa Mikee Quintos

Lianne inaming minsan nang nagpakatanga sa pag-ibig 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Sa Apoy Sa Langit ay kumabit si Lianne Valentin (bilang si Stella) kay Zoren Legaspi (bilang si Cesar), sa tunay na buhay ano na ang pinaka-grabeng nagawa nito nang dahil sa pag-ibig?

 “Nagpaka-tanga! Lahat naman po tayo nagiging tanga dahil sa pag ibig. Ouch!”

Co-stars sina Lianne at Bianca Umali sa Tropang Potchi na children’s show ng GMA na umere noong 2009.

Naging friends ba sila? Until now? Nagba-bonding pa ba sila hanggang ngayon?

“Ah si Bianca, yes po naging close kami noong ‘Tropang Potchi’ days.

“Nakatatawa kapag nakita niyo po ang pictures namin noong bata pa kami. But siyempre, as you get older, mayroon na tayong tinatahak na kanya-kanyang daan. Pero we’re still friends.”

Ano ang masasabi ni Lianne na mula sa Tropang Potchi ay isa na siyang ganap na dalaga at leading lady sa isang mapangahas na teleserye?

Hindi po madali, kasi matagal ko pong hinintay ang ganitong klaseng role and opportunity. Hindi rin po ito biglang bumagsak sa palad ko, pinaghirapan ko po ito nang sobra sa audition.

“I gave my very best as in 200% best for this.”

Isang Sparkle artist si Lianne; ano ang mga ginagawa niya upang hindi masira ang tiwala sa  kanya ng Sparkle/GMA management?

I’m doing my best to perform in every scene and project para makita po nila na hindi po sila nagkamali sa ’kin and that I’m worth it po.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Tommie Mopia Gawad America award

US base entrepreneur/producer Tommie Mopia Gawad America awardee

RATED Rni Rommel Gonzales IPINANGANAK at lumaki sa Pilipinas, sa Iloilo, si Tommie Mopia at nag-migrate sa …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng …

Tonton Gutierrez Gil Cuerva Gabby Garcia Khalil Ramos

Tonton natameme sa galing ni Gil Cuerva

COOL JOE!ni Joe Barrameda REVELATION si Gil Cuerva huh. Nahasa na sa galing umarte.  Dati walang kalatoy-latoy …

Mikee Quintos Lianne Valentin

Mikee natatalbugan ng kontrabida

COOL JOE!ni Joe Barrameda Kung sa seryeng Lolong ay marami ang sumusubaybay sa Primetime ng GMA, ang Apoy Sa …

Rob Guinto Purificacion

Rob Guinto ‘di lang paghuhubad na-challenge rin sa Purificacion

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Rob Guinto sa tampok sa pelikulang Purificacion na …