Sunday , April 2 2023
gun QC

Binata bumulagta sa tama ng bala sa ulo’t batok

BUMULAGTA ang isang binata nang malapitang barilin sa ulo at batok ng hindi kilalang gunman sa Quezon City, Miyerkoles ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Abir Gali Aslafal, 27 anyos, binata, walang trabaho, at residente sa San Miguel St., Payatas B, Quezon City.

               Sa report ng Payatas – Bagong Silangan Police Station (PS 13) ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 3:15 am kahapon, 6 Hulyo, nang maganap ang insidente sa kalye ng San Miguel Extension St., Brgy. Payatas A, sa lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/Cpl. Claire Benavidez ng PS 13, nakarinig umano ang mga kapitbahay ng biktima nang magkakasunod na putok na baril sa labas ng kanilang tahanan.

               Nang kanilang usisain, nakita nilang nakabulagta ang biktima at umaagos ang dugo sa ulo nito.

               Nakita umano ang suspek habang papatakas dala ang armas na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

Nakasamsam ang mga nagrespodeng sina Pat. Kim Arnold Nogoy, P/Cpl. Ajay Paras, Pat. Raymond Sarlatan at Pat. Elmer Nogoy ng dalawang pirasong empty cartridge ng ‘di pa batid na kalibre ng baril at anim na basyo ng bala sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

               Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaril upang matukoy ang nakatakas na suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift …

gun dead

     Brgy. kagawad patay sa pamamaril ng nakamotorsiklong gunman

Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. …

shabu

Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan

Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police …

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …