Monday , August 15 2022
Bongbong Marcos BBM PCOO OPS

PCOO, pres’l spox office binuwag ni Marcos

BINUWAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Office of the Presidential Spokesperson at ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa bisa ng inilabas na Executive Order No. 2 na nilagdaan noong 30 Hunyo 2022.

Sa kopya ng EO No. 2 na nakuha ng HATAW D’yaryo ng Bayan, nakasaad ang kautusan na pinalitan ang pangalan ng PCOO at ibinalik sa dating taguri bilang Office of the Press Secretary at reorganization nito kasama ang attached agencies.

Habang ang Office of the Presidential Spokesperson ay tuluyang nilusaw at ang tungkulin nito bilang Tagapagsalita ng Pangulo ay iniatang sa responsibilidad ng PCOO.

Ang OPS ay magkakaroon ng walong undersecretary at walong assistant secretary na mamumuno sa Operations, Plans and Policies; Administration, Finance and Procurement; Legal Affairs; Media Accreditation and Relations; Digital Media Services; Print Media Services, and related GOCCs and attached agencies; Broadcast Media Services, and related GOCCs and attached agencies; at Special Concerns.

Nasa ilalim ng pangangasiwa ng OPS bilang attached agencies ang APO Production Unit; Bureau of Broadcast Services; Intercontinental Broadcasting Corporation; National Printing Office; News and Information Bureau ; at People’s Television Network Inc.

Habang ang Radio Television Malacanang (RTVM) na dating nasa pangangasiwa ng PCOO ay inilipat sa direct supervision at control ng Presidential Management Staff (PMS).

Idinagdag sa saklaw ng Philippine Information Agency (PIA) ang Bureau of Communication Services; Freedom of Information-Program Management Office; at Good Governance Office.

Matatandaan, isa sa mga unang itinalagang miyembro ng gabinete si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles bago ang inagurasyon ni Marcos, Jr., bilang ika-17 Pangulo ng Filipino. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

BJMP DepEd

1,000 tauhan ng BJMP, tutulong sa Brigada Eskwela 

MAGPAPAKALAT si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral ng …

dead gun

Octogenarian ‘nagbaril’ sa sentido

NAGBARIL sa sentido ang 83-anyos lolo sa loob ng kaniyang silid sa Barangay Holy Spirit, …

081522 Hataw Frontpage

Endo sa gobyerno wawakasan na
HB 521 PAG-ASA NG CONTRACTUAL EMPLOYEES

BINIGYANG pag-asa ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo ang mahigit 660,000 contractual at job order …

e-Sabong

Jobless dumami sa suspensiyon ng e-Sabong

BUKOD sa pananalasa ngpandemyang dulot ng CoVid-19, naniniwala ang mga taga-industriya na malaki ang naging …

riding in tandem dead

Bombay patay sa riding in tandem!

PATAY ang isang indian national habang nangongolekta ng 5-6 ng tambangan ito at pagbabarilin ng …