Wednesday , June 24 2026
Ramil Omosura

Pinoy-Canadian Idol Ramil Omosura balik recording

MATABIL
ni John Fontanilla

MULING magbabalik-recording ang Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura na ilang taon ding nawala sa recording scene nang mag-concentrate ito sa kanyang negosyo.

Pero nitong buwan ng Pebrero ay umuwi sa bansa si Ramil kasama ang kanyang very supportive parents na sina Tita Velma at Tito Louie Omosura para magbakasyon.

Kuwento ng mahusay na singer and composer, “Sobrang namiss ko po ‘yung mag-perform in front of many people, pero kailangan ko talaga tutukan ‘yung nagsisimula kong business.

“Ilang years din akong tumigil sa pagpe-perform, pero paminsan-minsan kumakanta-kanta pa rin ako sa videoke o kaya naman mayroon kaming family gathering.

Pero ngayong medyo okey na ‘yung business, siguro puwede ko nang balikan ‘yung first love ko at gustong-gusto kong ginagawa ang pagkanta.”

At ngayong taon nga ay muling magri-release si Ramil ng mga kantang siya mismo ang nag-compose at babalik siya sa Pilipinas para i-promote ito.

Ire-record na rin ni Ramil ang isang hugot song about love na tiyak maraming Pinoy ang makare-relate.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …