Thursday , June 4 2026
Yuki Sonoda Tony Labrusca Kelley Day

Yuki Sonoda, happy sa pagpasok ng “All About Her” sa Sinag Maynila 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Yuki Sonoda na sobrang saya niya nang nalamang ang kanilang pelikulang “All About Her” ay nakapasok sa Sinag Maynila Independent Film Festival (Full Length Film Category).

Aniya, “Nagulat po talaga ako, pero sobrang saya ko. Napaka-fulfilling po sa pakiramdam na ang All About Her ay napili para sa Sinag Maynila Film Festival.

“Very intriguing po ang story nito at naniniwala ako na maraming mae-engganyong manood, lalo na’t umiikot sa mundo ng beauty queens ang movie. Isang bagay na talagang mahal na mahal ng mga Filipino.”

Dagdag pa ni Yuki, “Ang movie ay kuwento tungkol sa jealousy at ambition. Yung desire na maabot ang pangarap minsan, na umaabot sa punto na nasasaktan na ang mga tao sa paligid mo. Isa rin po itong kuwento ng friendship ng dalawang beauty queens at kung paano nagbago ang relasyon nila habang hinahabol nila ang iisang pangarap.” 

Bukod kay Yuki, bida rin sa pelikula sina Tony Labrusca, Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, Jim Pebanco, at Kelley Day. Ito’y mula sa pamamahala ng award-winning direktor na si Joel Lamangan at sa screenplay ni Quinn Carrillo.

Ano ang role niya sa pelikulang ito na hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo?

Esplika ni Yuki,  “Ang role ko po rito, ginagampanan ko po si Isabella Fuentes, isang beauty queen na sobrang determined manalo. Ang boyfriend niya ay si William Dela Cruz, na ginampanan ni Tony Labrusca, isang police officer.”

Dahil isang beauty queen si Yuki in real life, kaya inusisa namin kung naka-relate ba siya sa kanilang movie.

Tugon niya, “May mga parts po na nakaka-relate ako, especially sa pressure at determination. Pero gusto ko pong linawin na opposite po ako kay Isabella sa totoong buhay. Wala po akong ginawang masama para manalo ng title. Mas intense at mas ambitious po talaga yung character ko compared sa tunay kong personality.”

Si Yuki ay isang Pinay-Japanese na nagtapos ng kursong International Business Law sa Tokyo. Siya ay isang model at beauty queen sa Japan, na naging Miss Universe Japan 2020 – 2nd runner up. Siya ay naging Miss Supranational Japan naman, noong 2024.

Nag-shift si Yuki noon ng focus sa showbiz dahil sa pagsali sa beauty pageant. Pero ngayon ay nakatutok na siya sa kanyang showbiz career.

Mapapapanood sa mga piling sinehan sa Metro Manila ang Sinag Maynila Filmfest sa March 23-29, 2026.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …