Friday , May 3 2024

News

No-el 2022 pakana ni Duterte — KMU

ni ROSE NOVENARIO KOMBINSIDO ang Kilusang Mayo Uno (KMU) na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng no election (no-el) scenario na ipinanukala ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo. “Kumpas ni Duterte ‘yang pagpapanukala ng ‘no-el’ nang ‘mabigyang-matwid’ ang kahibangan at kauhawan niya sa estado poder. Mula sa nakubra niyang mga proyekto sa Tsina noong umpisa pa lang, ngayon ay …

Read More »

Duterte panatag kay Cayetano

KONTENTO si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagganap ni Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng Mababang Kapulungan, ayon kay Presidential Spokes­person Harry Roque. Dagdag niya, tila hindi napapanahon ang pagpapalit ng liderato sa Kongreso lalo kung mapupunta lamang ito sa mga baguhan at walang sapat na karanasan at track record. “Ang katotohanan po, and I speak …

Read More »

School nurse sa Bukidnon positibo sa CoVid-19

Covid-19 positive

ISANG 64-anyos babaeng nurse ng Department of Education (DepEd) sa lungsod ng Malaybalay, lalawigan ng Bukidnon, ang nagpositibo sa novel coronavirus disease (CoVid-19). Sa kaniyang pahayag noong Biyernes, 25 Setyembre, sinabi ni Malaybalay Vice Mayor Dr. Policarpo Murillo, tumatayong incident commander ng Emergency Operations and Command Center (EOCC) ng lungsod ng Valencia, ang DepEd nurse ay residente sa Barangay Sumpong, …

Read More »

Buntis, PUJ driver kapwa PDEA HVT tiklo sa P.68-M shabu

shabu drug arrest

ARESTADO ng mga operatiba ng Malolos City Police Station (CPS) ang dalawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan, noong Lunes, 21 Setyembre .   Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan provincial director, ni P/Lt. Col. Jacquilene Puapo, hepe ng Malolos CPS, ang isinagawang anti-illegal drug operation ay kabilang …

Read More »

43 araw clinical studies ng Sputnik V — DOH

INAASAHANG 43-araw ang itatakbo ng pag-aaral ng local experts sa mga dokumento ng Russia kaugnay ng bakuna laban sa CoVid-9 na Sputnik V, ayon sa Department of Health (DOH).   Ibig sabihin, mas mabilis ang magiging daloy ng proseso nito kompara sa 55 araw na naunang napag-usapan ng sub-technical working group on vaccines na pinamumunuan ng Department of Science and …

Read More »

Term-sharing deal, OK lang ‘di matupad  

KAHIT may term-sharing deal sina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Load Alan Velasco  ay numbers game pa rin ang mananaig sa pagpili ng pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.   Paniniwala ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit naging testigo pa siya sa gentleman’s agreement na term-sharing nina Cayetano at Velasco noong nakalipas na tao.   Sinabi ni Presidential …

Read More »

SUCs Iskolar ng Bayan para lang sa Pinoy

CHED

IPINATITIGIL ni Senadora Imee Marcos ang komersiyalisasyon sa state colleges and universities (SUCs) na pinapayagan ang foreign students na tamasahin ang parehong benepisyong nakalaan dapat para sa mga Pinoy na ‘iskolar ng bayan.’   Ayon kay Marcos, bunsod ng enrollment quota ay napupunta lang sa mga dayuhang mag-aaral ang dapat sana ay libreng edukasyon sa kolehiyo ng mga pamantasan na …

Read More »

LTO region 7 director isinabit sa korupsiyon

Bilang patunay na bistado ng Palasyo ang mga katiwalian sa LTO, isiniwalat ni Roque na si LTO Central Visayas regional director Victor Caindec ay iniimbestigahan sa isyu ng korupsiyon at gusto niyang masampahan ng mga kaso ang opisyal.   “Yes, I was referring to Caindec. I have affidavits to prove na kinikikilan niya ‘yung motorcycle distributors. This is a matter …

Read More »

Utak at ‘di tapang kailangan ng presidente – Ex-speaker

SA GITNA ng mga batikos kay Pangulong Duterte sa pagtugon nito sa pandemyang dulot ng CoVid-19, nagpasaring si dating House Speaker Pantaleon Alvarez na kinakailang magkaroon ang bansa ng presidente na may utak at hindi lamang puro tapang.   Ito, umano, ang sinabi ng dating speaker sa kanyang radio program sa Davao del Norte.   “Una, kining kinahanglan mupili ta …

Read More »

Ex-UP Maroon, 4 pa timbog sa kush at droga

DINAKIP ng mga ahente ng Philppine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dating manlalaro ng UP Fighting Maroons at apat na iba pa sa isinagawang anti-drug operation sa Parañaque City.   Kinilala ang mga nadakip na sina Kevin Rae Astorga, dating player ng UP Fighting Maroons; Agustin Deulexandre Montejo, Jericho Tumagan, Miguel Carlos Mojares, at Karen Vidanes Salvahan.   Sa ulat, …

Read More »

Robredo presidente ora mismo (Kapag nakahanap ng solusyon vs CoVid-19)

ORA mismong magiging pangulo ng bansa si Vice President Leni Robredo sakaling makahanap siya ng lunas sa CoVid-19 habang wala pang natutuklasan na gamot at bakuna para wakasan ito. Pangungutya ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Robredo matapos punahin ng Bise-Presidente ang kakulangan ng plano ng administrasyong Duterte laban sa CoVid-19 at iniasa na lamang ang solusyon sa bakuna …

Read More »

PACC bilang observer sa bidding, hirit sa LTO

NAIS ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na umupo bilang observer sa pre-bidding conference at bidding sa mga multi-bilyong proyekto sa Land Transportation Office (LTO) bunsod ng mga ulat na may naganap umanong iregularidad sa naturang proseso lalo sa plaka ng motorsiklo at RFID stickers. Ayon sa source, hindi pa tumutugon ang LTO sa kahilingan ng PACC at maaaring ikinagulat ito …

Read More »

Isyu ng pag-eespiya vs third telco uminit sa lawyers online forum

WALANG cybersecurity measure na 100 percent fool-proof, ayon sa lawyers’ advocacy group na Tagapagtanggol ng Watawat. Sa isang webinar na ini-host ng Philippine Bar Association (PBA) kamakailan, hinikayat ng lawyers’ group ang mga kasamahan para “gawin ang lahat ng pag-iingat laban sa panghihimasok sa ating internet connectivity sa pamamagitan ng pagbusisi sa safeguards na iniulat na inilagay sa sinelyohang  kasunduan …

Read More »

VP Leni kakausapin ng NDFP sa post-Duterte scenario

NAGPAHAYAG ng intensiyon ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na makipag-usap kay Vice President Leni Robredo kaugnay sa mga isyu hinggil sa negosasyong pangkapayapaan sa pamahalaan. Sinabi ni Julie de Lima, NDFP negotiating panel interim chair­person sa panayam ng Ang Bayan, opisyal na pahayagan ng Communist Party of the Philippines (CPP), ang NDFP ay dapat makipag-dialogo sa mga …

Read More »

Physical, social distancing ‘no more’ sa Manila Bay (Palasyo, IATF tameme, MPD-PS5 chief sinibak)

TIKOM ang bibig ng mga opisyal ng Palasyo at ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging infectious Diseases sa lantarang paglabag sa physical/social distancing ng daan-daan taong dumagsa sa Manila Bay ‘white sand beach’ sa Roxas Boulevard nitong Sabado at kahapon, Linggo. Binatikos ng netizens ang isinagawang public viewing sa naturang proyekto para ipakita ang dinurog na dolomite rocks na …

Read More »

Mag-aalahas, 2 pa sugatan sa ‘5 unipormadong’ holdaper (Bodyguard na antigong pulis-Maynila itinumba)

WALANG balak lumaban at nakaluhod na pero binaril pa rin ng isang holdaper na naka-camuflajeng pansundalo ang isang pulis-Maynila na sinabing bodyguard ng isang negosyanteng mag-aalahas sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon. Patay agad ang biktimang pulis na si P/EMSgt. Roel Candido, 53 anyos, nakatalaga sa Manila Police District – Meisec Station (MPD-PS 11), residente sa Benita St., Gagalangin, …

Read More »

Kudeta Vs Cayetano kinompirma ni Pulong

ni GERRY BALDO NAKAAMBA ang posibleng kudeta laban kay House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw, 21 Setyembre, kung hindi gagawin ang patas na pamamahagi ng pondo para sa mga distrito ng kongresista. Kinompirma ni Deputy Speaker at Davao Rep. Paolo Duterte ang nasabing kudeta kahapon matapos kumalat ang text message niya sa isang kongresista na …

Read More »

23-anyos kalaboso sa sextortion

NADAKIP ng pinagsanib na operasyon ng Manila Police District, PRO-Calabarzon at RACU4A ang isang 23-anyos lalaki na inireklamo ng kasintahan dahil sa sextortion sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng hapon sa Quiapo, Maynila. Sa ulat ni MPD Station 3 commander P/Lt. Col. John Guiagui, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995, Article 268 (Anti-Photo and Video Voyeurism and Grave Coercion) …

Read More »

Talamak na korupsiyon sa LTO sanhi ng delay sa plaka at RFID sticker

Land Transportation Office LTO

ni ROSE NOVENARIO MULING pinatunayan ng Land Transportation Office (LTO) ang bansag sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019 State of the Nation Address (SONA) bilang isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan. Batay sa mga dokumentong nakalap ng HATAW mula sa isang reliable source, kuwestiyonable ang pagbibigay ng LTO sa mahigit P1-bilyong kontrata ng plaka at RFID stickers na …

Read More »

2 bata sa Samar patay, 4 kaanak ginagamot (Nalason sa tahong)

BINAWIAN ng buhay ang dalawang bata habang ginagamot ang apat pang miyembro ng kanilang pamilya sa bayan ng Daram, sa lalawigan ng Samar, matapos mabiktima ng paralytic shellfish poisoning (PSP) dahil sa kinaing mga tahong. Ayon sa mga awtoridad, ulam ng pamilya ang tahong noong Martes, 15 Setyembre, na nakuha sa Barangay Bagacay, sa naturang bayan. Pagsapit ng 11:00 pm …

Read More »

Mag-tatay na kidnap suspects patay sa shooutout

dead gun

PATAY ang mag-amang pinaniniwalaang sangkot sa mga insidente ng homicide at kidnapping, sa isang enkuwentro laban sa mga pulis sa bayan ng Teresa, lalawigan ng Rizal, noong Miyerkoles ng gabi, 16 Setyembre.   Kinilala ni PNP Anti-Kidnapping Group chief P/BGen. Jonnel Estomo ang mga napaslang na suspek na sina Rodel Cabungcal Basi at kaniyang anak na si Romar Basi.   …

Read More »

7 tumangging magpa-swab test ipinaaresto sa Negros Occidental

Covid-19 Swab test

IPINAG-UTOS ng pamahalaan ng Negros Occidental ang pagdakip sa pito kataong tumangging sumailalim sa swab test para sa CoVid-19 pagpasok sa lalawigan.   Ayon kay Provincial Administrator Rayfrando Diaz, lumapag ang pitong nagpakilalang mga Authorized Persons Outside Residence (APORs) sa Bacolod-Silay Airport noong Martes, 15 Setyembre, na may dalang sulat mula sa isang konsehal ng Bacolod.   Aniya, tutukuyin nila …

Read More »

28 law violators, 5 kabataan tiklo sa Bulacan

ARESTADO sa magkakahiwalay na police operations ang 33 katao kabilang ang limang kabataan na sumalungat sa batas, hanggang kahapon ng umaga, 17 Setyembre.   Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), unang nasakote ang 12 drug suspects sa serye ng mga buy bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Bocaue, Marilao, …

Read More »

8 Pinoy seafarers na stranded sa karagatan ng China nakauwi na

OFW

NAKAUWI na sa bansa ang Pinoy Seaferers na stranded sa karagatan ng Ningde City, Fujian Province.   Matapos ang mahabang negosasyon ay napauwi na rin sa Filipinas sa pagpupursigi ng Philippine Consulate General sa Xiamen ang walong Pinoy seafarers mula Fujian Province sa China.   Ang naturang Pinoy seafarers ay noong Mayo pa stranded sa karagatan ng Ningde City, Fujian …

Read More »

2 tulak sa Vale, huli sa buy bust

shabu drug arrest

DALAWANG tulak ng shabu ang arestado matapos bentahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na sina Edmundo Acuña, 43 anyos, residente sa 6111 Lower Tibagan, Barangay Gen. T. De Leon, at Glennmore …

Read More »