Friday , May 27 2022
Sanya Lopez Vote Election

Sanya parang kandidatong pinagkaguluhan habang bumoboto

RATED R
ni Rommel Gonzales

MISTULANG kandidato na pinagkaguluhan ng mga tao ang “First Lady” na si Sanya Lopez nang bumoto ang aktres sa kanyang polling precinct noong Lunes.

Sa mga video mula sa netizens, makikitang sinulit ng mga botante ang magpa-picture kay Sanya nang makasabayan nila ang aktres sa pagboto.

Maririnig din na sumisigaw ang mga tao ng “Acosta!” at “First Lady,” na karakter ni Sanya sa GMA series na First Lady.

Ang “Acosta” ang apelyido ng karakter ni Sanya na si Melody bilang asawa ng presidente ng Pilipinas na si Glenn Acosta, na ginagampanan ni Gabby Concepcion.

Ayon sa mga bali-balita, sinabing nakapila na si Sanya at ang kuya niyang si Jak Roberto nang pagkaguluhan ng mga tao.

Dahil dito, nagdesisyon ang election inspectors na pabotohin agad si Sanya para hindi na magkagulo ang mga tao.

“Nahiya po kami. Humingi naman po kami ng pasensya sa mga tao at nakatutuwa po na naiintindihan naman po nila,” sabi ni Sanya.

Pero kahit tapos nang bumoto, sinalubong pa rin si Sanya ng mga tao sa labas ng presinto.

“Tinatawag nila akong ‘Acosta! Acosta!’ ‘First Lady,’ ‘Madam presidente’ pa ‘yung tinawag last time. So nakaaaliw talaga. Sa lahat ng dinadaanan namin ang tawag na sa akin Melody,” sabi ni Sanya.

Dahil dito, hindi maiwasan ni Sanya na maikompara ang mga pangyayari sa totoong buhay sa takbo ng kuwento sa First Lady, lalo na sa katatapos lang na eleksiyon.

Sa pinakabagong kaganapan sa serye, pumayag na si Melody na humalili sa kaniyang mister na si Glenn bilang kandidatong pangulo.

About Rommel Gonzales

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Sheryl Cruz rams david kuya germs

Sheryl loyal sa ACTMS dahil kay Kuya Germs

RATED Rni Rommel Gonzales SAMPUNG taon na si Sheryl Cruz sa pangangalaga ng Artist Circle Talent Management Services ni Rams …

Ryza Cenon

Ryza natutulala sa pagiging ina

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Ryza Cenon ang hirap ng pagiging first …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Marian sa friendship nila ni Rhea Tan: May kontrata kami for life! 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATATAG na ng panahon ang pagkakaibigan nina Marian Rivera Dantes at Beautederm CEO …