Monday , May 16 2022
Bea Alonzo Alden Richards

Alden may noteto self habang katrabaho si Bea

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI pa rin naiiwasan ni Alden Richards na maging isang fan boy sa tuwing kaeksena ang kanyang leading lady sa Philippine adaptation ng Start-Up na si Bea Alonzo, na kanyang idolo.

Sa isang panayam, sinabing may moments na may, “note to self” si Alden na katrabaho niya si Bea.

“Kanina, when we were doing the scene, sabi ko ‘Idol ko dati! Idol ko itong… I mean this very talented woman. I used to look up to her, hindi pa ako artista. Mayroon lang siyang nostalgic feel na parang, ‘Wow, ngayon kaeksena mo na. Seryoso ba ito?’” sabi ni Alden.

Sa naturang ulat, mapapanood ang ilang ipinasilip na eksena sa Start-Up na dapat abangan ng fans.

Makikita na agad ang koneksiyon nina Alden at Bea.

“‘Yung shinoot kanina siguro is one of our first heavy scenes together, so hindi ako nahirapan. We did quite a lot of workshops. Madali rin naman kasing pakibagayan, I mean, we talk a lot off-cam,” sabi ni Alden.

Malaki rin ang ginagampanan ni Alden sa personal connection na ito, lalo siya ang nagpapagaan ng samahan nila sa set.

Importante naman ito para kay Bea dahil ito ang kaniyang kauna-unahang proyekto bilang Kapuso.

“Playful siya sa set. Of course I knew that before pero extra playful siya rito. Maybe because, matagal na niyang tahanan ang GMA so it’s very comfortable around everyone,” sabi ni Bea.

Naramdaman din ni Bea na komportable na sa kanya si Alden.

“He’s very playful the way he is,” ani Bea.

May kalayaan ang Philippine production ng Start-Up hinggil sa ilang elemento sa istorya para maging angkop ito sa panlasa ng mga manonood na Pinoy.

Hamon ito para kina Alden, na gaganap bilang si Good Boy, at si Bea bilang si Dani.

“Siyempre mahirap din, mako-compare, but gusto kong maging proud tungkol dito and of course, base ito sa aming interpretation, base rin sa how I am creating my own character as Dani, as compared to [Seo Dalmi]. So it’s very exciting,” sabi ni Bea.

About Rommel Gonzales

Check Also

Angeli Khang Vince Rillon Pusoy

Pusoy ng Vivamax, parang Pinoy version ng Fifty Shades of Grey — Angeli Khang

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABIS ang pasasalamat ni Angeli Khang sa Viva sa mga …

Cassy Legaspi

Cassy may madamdaming mensahe sa kanyang ‘older me’

MAY madamdaming mensahe  si Cassy Legaspi sa kanyang co-star sa top-rating GMA             Telebabad series na First Lady na si Maxine Medina sa ika-32 kaarawan …

Angelo Carreon Mamay

Angelo Carreon Mamay, wish sumabak sa drama at horror projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Angelo Carreon Mamay na malaki ang naging epekto …

Ayana Misola Janelle Tee

Ayanna at Janelle, ibang klaseng sarap ang ipatitikim sa Putahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAKAIBANG pampagana ang hatid ni Ayanna Misola sa pelikulang Putahe. …

Barbie Forteza Jak Roberto

Takot ni Barbie sa heights nawala sa hawak ni Jak

I-FLEXni Jun Nardo TINALO ng Kapuso princess na si Barbie Forteza ang takot sa heights nang pumunta …