Aubrey Caraan Lance Carr Rosario

Lance and Aubrey pinaghandaan pananakot sa Rosario

MATABIL
ni John Fontanilla

GRABENG paghahanda ang ginawa ng mga bida sa pelikulang Rosario ng Viva Films, sina Aubrey Caraan at Lance Carr na mapapanood na sa mga sinehan sa August 05, 2026.

Kuwento ni Aubrey, “Binabasa ko ‘yung script, familiar talaga ako sa sequence guide na gagawin, like kung nasaan na ba kami, nasa crane na ba ‘yung isu-shoot namin.,

“Tapos preparation ko rin po, I make sure na okey ako, as in okey ako mentally,  para once na nasa set na I can get my 100%, kaya ko siyang i-sustain hangang madaling araw, ‘yun po.”

Ayon naman kay Lance, “Ako naman po I just watch horror movies lang because this is my first time na magkaroon po ng horror project.

“To make my acting not so cringe as possible and siyempre po wala naman akong na- experience sa multo. So I don’t know how to react in certain ways, so I try to watch certain films po.” 

May mga superstitious belief din silang pinaniniwalaan kapag may patay na namana na nila sa kani-kanilang pamilya.

Tsika ni Aubrey, “‘Yung Kunwari pupunta ka sa lamay tapos bawal ka kumuha ng pagkain tapos iuuwi mo kahit kaunti lang.

“So, ako kakain ako inuubos ko lahat ‘yun.” 

Dagdag naman ni Lance, “Ako naman po bawal po mag-take home ng food coming from the lamay. 

“And you can’t swift the floor at night, ‘yung mga ganoon.

“And you can’t cut your nails at night, things like that.”

Makakasama nina Aubrey at Lance sa Rosario sina Yumi Garcia, Meg Imperial, Jairus Aquino, Suzette Ranillo, Rose Van Ginkel and Bernadette Allyson sa panulat at direksiyon ni Roni S. Benaid, hatid ng Viva Studios & Viva Films