Bea, Vincent pumirma ng prenup bago ikasal
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PUMIRMA ng prenuptial agreement sina Bea Alonzo at Vincent Cobago ikinasal sa Makati City Hall. Ito ang nilinaw ng abogado ng aktres na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA LAW.
Kinompirma rin ng abago na naganap ang kasalang civil nina Bea at Vincent noong Lunes, July 13, 2026 at si Makati City Mayor Nancy Binay ang nagkasal sa dalawa.
Iginiit di ni Atty Garcia na kusa at malayang lumagsa sina Vincent at Bea sa kasunduan. Ibig sabihin, walang pilitan o walang nakialam.
Nilinaw din ni Garcia ang isyu ng prenuptial agreement sa ulat ng GMA 7, “The earlier reports suggesting that there was any dispute, hesitation, or unresolved issue concerning a prenuptial agreement are not accurate.”
Idinagdag pa ni Garcia na, “I must state clearly and unequivocally, for the record and in fairness to all concerned, that a prenuptial agreement was duly signed executed and entered into freely and voluntarily by the contracting parties, Ms. Bea Alonzo and Mr. Vincent Co, without issue.”
***
Wedding photos ibinahagi ni Bea
HINDI na pinahirapan ni Bea ang kanilang tagasubaybay ni Vincent dahil siya na mismo ang nag-post ng mga picture ng katatapos nilang kasal sa Makati.
Sa Instagram page ni Bea, ibinahagi nito ang mga black and white photos nila ni Vincent na kuha sa kasal noong July 13 sa Makati City Hall na si Mayor Nancy Binay nga ang nagkasal sa kanila.
May caption iyong, “Home.”
May isang picture roon na may hawak sina Bea at Vincent na wedding cake at may nakasulat na, “Just married.”
May isa ring picture na makikita ang pagka-proud at maligayang-maligaya ang dalawa habang ipinakikita ang mga suot na wedding ring.
***
Hula kay Bea nagkatotoo
MATAPOS maglabasan ang mga picture nina Bea at Vincent ukol sa kanilang civil wedding, usap-usapan naman at nagkalahat sa socmed ang naging pagpapahula ni Bea sa isang tarot card reading ukol sa kanyang magiging kapalaran. Kasama niya roon ang kaibigang si Kakai Bautista.
Ayon sa mga netizen, tila nagkatotoo ang mga hula ng tarot card reader na si Niki Vizcarra kay Bea lalo ang ukol sa kasal.
May parte sa video na itinanong ni Bea kung ikakasal pa ba siya? At sinagot iyon ng tarot card reader ng, “oo ikakasal ka pero civil muna, pero matatagalan pa.”
Sinabi naman ngvtarot card reader na ikakasal siya at civil muna pero matatagalan pa.
“Later on pa nga. Civil ‘yung una eh. Hindi ka church una pero medyo hidden lang. Either seven months from now or seven years from now,” sabi ni Niki kay Bea.
Tugon ni Bea sa tinuran ng manghuhula, “Seven years naman, nagtatrabaho pa ‘ko niyon, ang tanda ko na, 40 nga! 40 pa ‘ko ikakasal?”
Sinabi rin ng tarot card reader na magiging bongga ang buhay ni Bea matapos ang kasal.
“Pero bongga naman ‘yung maging kasal mo and marriage life after. Kasi if you’ll be married now, may chances kang mag-separate. Ito ‘yung mapapangasawa mo… mature na kasi siya. Mature siya mag-isip and love niya is true.”
Sinabi rin ng tarot reader na tatlo ang magiging anak ng aktres pero ang klaro sa kanya ay dalawa, isang lalaki at isang babae.
Kumalat ang video ng pagpapahula ni Bea matapos makasal kay Vincent noong July 13.
Anang mga netizen tila tumama lahat ng lumabas sa baraha ni Bea at ang hinihintay na lamang ngayon ay kung kailan at ilan naman ang magiging anak nila ni Vincent.
