Wednesday , March 22 2023
Election Basura

Wagi o talunang kandidato linisin basurang election propaganda materials – MMDA

DAPAT tumulong ang mga nanalo at natalong kandidato nitong nakaraang halalan sa paglilinis ng mga ipinaskil na paraphernalia, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nanawagan si MMDA Chairman Romando Artes sa  mga kandidato, nanalo man o natalo, at sa kanilang mga tagasuporta, na tumulong para alisin ang mga paraphernalia na ikinabit sa mga poste, puno, at pampublikong impraestruktura.

Ang mga kawani ng MMDA ay nagtutulong-tulong  sa pagtatanggal ng campaign materials at paglilinis ng kapaligiran kabilang ang mga eskuwelahan sa Metro Manila.

Ang mga makokolektang plastic at tarpaulins ay gagamiting materyales sa eco-bricks at eco-bags, at iba pa, dahil maaari itong bumara sa mga estero at kanal.

Ayon kay Artes, ang tunay na disiplina ay magmumula sa sarili at ngayong tapos na aniya ang halalan, hawakan ang mga walis at dustpan dahil oras na para maglinis.

Alisin ang mga nakasabit at nakadikit na mga election campaign materials at itapon sa tamang lagayan.

Huwag itapon kung saan-saan na magreresulta sa pagbabara sa mga daluyan ng tubig at lilikha ng polusyon.

Binigyan diin ni Artes, katulad ng pagbibigay ng suporta sa mga kandidato ay dapat din ipakita ang pagmamahal sa kalikasan. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Arrest Posas Handcuff

Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga

NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …