Sunday , August 7 2022
LTO Money Land Transportation Office

Dayuhang IT contractor ng LTO ipinaaaresto

IPINAAARESTO ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 224 ang apat na opisyal ng Dermalog Identifications Systems, GmBH (Dermalog) – ang banyagang information technology (IT) contractor ng Land Transportation Office (LTO) sa kasong Qualified Theft.

Naglabas ng non-bailable arrest warrants si RTC Branch 224 Presiding Judge Zita Marie Magundayao Atienza-Fajardo laban kina Dermalog Chief Executive Officer/Managing Director Gunther Mull, Project Manager Michael Schutt, Chief Financial Officer Randolf Sitz, at Philippine representativeLynne Ocampo noong 20 Hunyo 2022.

Nag-ugat ang arrest warrant sa kasong estafa na isinampa laban sa Dermalog ng kanilang local partner na Verzontal Builders, Inc. (Verzontal) sa Quezon City Prosecutor’s Office noong nakaraang taon.

Matatandaang pumasok sa isang Joint Venture Agreement (JVA) ang dalawang kompanya noong 2018, kasama ang Holy Family Planning Corp., at Microgenesis Software, Inc., upang makilahok sa bidding para sa P3.19-bilyong DOTr Road Transportation Infrastructure Project (LTO-Component A) na may kinalaman sa Land Transportation Management System (LTMS). 

Inakusahan ng Verzontal ang Dermalog ng hindi pagbabayad ng kanilang 25 percent share matapos makompleto ang civil, mechanical, at electrical works na kailangan para sa naturang proyekto. Hindi rin umano sinabi ng Dermalog ang tunay na halaga ng proyekto na inaprobahan ng LTO.

Ngunit sa resolusyon na inilabas ng city prosecutor, sinabi nitong mas naaangkop ang kasong qualified theft sa reklamong ito dahil sa hindi pagbabayad nang wasto ng Dermalog sa Verzontal.

Ayon sa city prosecutor, dahil nasa isang JVA ang Dermalog at Verzontal, ang hindi wastong pagbibigay ng kaukulang bayad na batay sa kontrata ay maituturing na pagnanakaw.

Hindi rin malinaw kung ang pagbabago sa tunay na presyo ng proyekto ay may kinalaman sa audit issue na makailang beses inilabas ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng procurement contract sa pagitan ng Dermalog at LTO.

Nakasaad sa Article 310 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa qualified theft, ang mga akusado ay dapat patawan ng parusang mas mataas nang dalawang antas ang lebel gaya ng pagkakakulong na hindi bababa sa dalawang taon at apat na buwan at isang araw hanggang anim na taon.

Matatandaang pinuna ng COA ang LTO sa kanilang audit reports na inilabas noong 2020, dahil sa pagbabayad nito sa Dermalog sa kabila ng mga kakulangan at kabagalan ng LTMS project.

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez Juliana

Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. …

080522 Hataw Frontpage

Sa GenSan
6 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN 

ANIM katao ang namatay habang pito ang sugatan sa naganap na banggaan ng tatlong sasakyan …

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

GRABENG napinsala pero nakaligtas sa kamatayan ang isang 26-anyos lalaki nang tangkaing magpakamatay sa pamamagitan …

5 THINGS YOU CAN DO AT SM THIS CYBER MONTH
Great tech and gaming deals are coming your way this August!

Hey there, tech geeks! SM Supermalls is celebrating tech and innovation this August at the …

SM Foundation SMFI brings basic health services to SM City Rosario

SM Foundation brings basic health services to SM City Rosario

SM Foundation (SMFI) provided free medical consultation and medicines to more than 350 patients during …