Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Aburidong ina, 2 paslit inatado sa tagaan

NAGMISTULANG inatadong karne ang bangkay ng isang 12-buwan gulang na sanggol, 3-anyos paslit, at isang ina na hinihinalang nawawala sa sarili nang madatnan ng mga awtoridad sa Cauayan, Negros Occidental, nitong nakaraang Biyernes. Patay na nang datnan ng mga awtoridad ang ginang na nawawala sa sarili, kinilalang si Perlita Sagmon, 43, sinabing siya rin tumaga hanggang mamatay sa kanyang 1-taon …

Read More »

Yolanda victims bawal sa coastal (40-metro malayo sa dalampasigan)

INATASAN ng Palasyo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na konsultahin  ang lahat ng apektadong sektor bago ipatupad ang “no-build zone policy” sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. “We’ll flag the DENR for this and perhaps they can set some consultations, if it’s possible, for other stakeholders that have concerns on the “no-build zone policy,” ani …

Read More »

Uncle Sam alyado suportrado vs China

Nangako ang Estados Unidos na suportado nila ang mga kaalyadong bansa na nakaka-alitan ang China dahil sa ilang pinag-aagawang teritoryo, kabilang ang Filipinas. Sa pagharap ni Assistant Secretary of State Daniel Russel sa isang congressional hearing sa Estados Unidos na tumatalakay sa polisiya ng bansa sa Silangang Asya, kanyang ipinahayag na tutuparin nila ang kanilang responsibilidad sa mga kaalyadong bansa. …

Read More »

Sabah abduction tinututukan

Siniguro ng Malakanyang na inaaksyonan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng pagkasangkot ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa naganap na pagdukot sa isang Pinay at Chinese sa Semporna, Sabah, Malaysia. Sa isang panayam, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na patuloy ang paggalugad ng AFP sa mga posibleng lugar na pinagdalhan ng mga suspek sa …

Read More »

2 Pagcor employee todas sa road mishap

PATAY noon din ang dalawang empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) nang araruhin ng kotse ang motorsiklong kanilang kinalulunanan sa Brgy. Lahug, Cebu City, iniulat kahapon.             Tumilapon ng ilang metro ang mga biktimang sina Gaudencio Bontilao at Joselito Lopez, kapwa operator ng slot machine sa PAGCOR Cebu. Sa ulat ng pulisya,  galing sa trabaho ang dalawang biktima, sakay …

Read More »

Homeowners board chair dedbol sa ratrat

Patay ang chairman of the board  ng isang homeowners association nang pagbabarilin sa San Mateo Road, sa Batasan Hills, Quezon City, iniulat kahapon. Ayon sa ulat, dakong 6:00 ng umaga nang makitang bumulagta ang biktimang kinilalang si Dix Tibi, 56-anyos, board chairman ng Dakila Homeowners Association sa Batasan Hills, sanhi ng tama ng mga bala sa mukha. Napag-alaman mula sa …

Read More »

Enrile, 80, di-lusot sa kulong

WALANG batas na nagsasabing ang akusadong lampas 80-anyos, tulad ni Sen. Juan Ponce-Enrile, ay pwedeng malibre sa pagkakapiit sa regular na selda. Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda hinggil sa posibilidad na makulong sa regular jail si Enrile sakaling maisampa na ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban sa senador kaugnay sa P10-B pork barrel scam. …

Read More »

US Embassy official nagwala sa Ermita

ISANG sinabing opisyal ng Embahada ng Estados Unidos ang napaulat na nagwala at pinagmumura ang mga Pinay na dumaraan sa isang kalye sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon. Ayon sa mga nagreklamong residente at empleyado, may tatlong oras na nagsisigaw ang opisyal na kinilalang si Brian Platt, US Embassy attaché at nakatalaga sa Naval Criminal Investigation Service (NCIS) sa panulukan ng …

Read More »

PNoy pinondohan ni Delfin Lee

IWAS-PUSOY ang Palasyo sa bintang na malaki ang iniambag ni Delfin Lee kay Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 presidential elections. “Well, the lists of contributors and donors have been published by the Comelec; and I think you can see it from there whether he is a campaign contributor. But I have no specific information on who is a campaign …

Read More »

BIR tutok sa Pacman vs Bradley rematch

NAKATUTOK ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa posibleng kitain ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa nalalapit na laban kay Timothy Bradley sa Abril 13. Naniniwala si BIR Commissioner Kim Henares, natuto na si Pacquiao sa tamang pagdedeklara ng kanyang income sa paglalaro ng boksing sa labas ng bansa. Ayon kay Henares, inaasahan niyang tapat na magbabayad ang Filipino ring …

Read More »

US nagbanta ng economic sanction vs China

NAGBANTA ng posibleng “economic retaliation” ang Amerika laban sa China kapag gumamit ng pwersa sa pang-aangkin ng teritoryo sa Asian region. Sa pagharap sa US Senate Foreign Relations Committee, inihayag ni Assistant Secretary of State for East Asia Daniel Russel, posibleng sapitin din ng Beijing ang ipinataw na sanctions laban sa Russia makaraan nitong sakupin ang Crimean peninsula sa Ukraine. …

Read More »

Most wanted huli sa ‘selfie’

CEBU CITY – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa kinikilalang most wanted sa lalawigan ng Cebu makaraan matunton ang kinaroroonan dahil sa “selfie post” sa Facebook. Ayon kay Senior Insp. Romel Luga, hepe ng Station 6 ng Mandaue City Police Office, natunton nila ang most wanted sa batas na si Niño Cueva, 20, habal-habal driver, at residente …

Read More »

Mag-ina arestado sa carnapping

INARESTO ng mga pulis ang mag-ina nang marekober sa kanilang compound ang dalawang karnap na sasakyan makaraan ireklamo ng concerned citizen kaugnay sa mabahong kemikal mula sa kanilang bahay sa Brgy. Catmon, bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Kinilala ng pulisya ang nadakip na mag-ina na sina  Reynan Manuel, 29, at Juleta San Diego, 69, ng nasabing lugar. Nauna rito, nagreklamo …

Read More »

NoCot mayor, VM suspendido (Sa maanomalyang public market)

KORONADAL CITY – Nagpalabas ng 30-days suspension order ang sangguniang panlalawigan ng North Cotabato laban kina Mayor Romeo Araña at Vice Mayor Abeth Gardugue dahil sa administrative cases. Ayon kay Board Member Joemer Cerebo ng North Cotabato, ipinalabas ang resolusyon makaraan magreklamo ang isang private contractor laban kina Araña at Gardugue dahil sa sinasabing sa maanomalyang pagpapatayo ng public market …

Read More »

3rd rape case vs Vhong isinampa

WALA pang natatanggap na kopya ng reklamo ang kampo ng aktor na si Vhong Navarro kaugnay sa panibagong kaso ng rape na isinampa laban sa aktor. Una rito, inihain ng biktima na nagsilbing ‘double’ sa telenobelang kinatampukan ni Navarro, ang rape complaint sa Quezon City Prosecutor’s Office. Sa complaint-affidavit, isinalaysay ng biktima na nangyari ang panghahalay sa kanya ni Navarro …

Read More »

10 bayan sa Pangasinan nasa watch list vs tigdas

DAGUPAN CITY – Nasa watchlist ng Provincial Health Office ang sampung bayan sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa sakit na tigdas. Ngunit nilinaw ni Dra. Ana de Guzman, provincial Health Officer sa Pangasinan, dalawa pa lamang ang kompirmadong kaso ng tigdas sa lalawigan. Ngunit ang ibang kaso ay nakitaan aniya ng rashes na isa sa sintomas ng tigdas. Pinayuhan ni …

Read More »

NBI nakaalerto vs Manyak sa Dagupan (Joggers hinihipuan)

DAGUPAN CITY – Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan ang reklamo kaugnay sa isang lalaking nanghihipo ng mga kababaihan na nagda-jogging partikular sa De Venecia Highway sa lungsod ng Dagupan. Ayon kay NBI agent Tim Rehano, sinusundan ng suspek ang mga babaeng nagda-jogging habang sakay ng kanyang motorsiklo at bigla na lamang manghihipo. Pagkaraan ay mabilis na patatakbuhin …

Read More »

Opisyal ng DAR, hiniling na sibakin sa korupsiyon

NANANAWAGAN ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) kay Department of Agrarian Reform Secretary Virgilio de los Reyes na sibakin sa tungkulin si DAR Undersecretary Rosalina Lopez Bistoyong at imbestigahan ang pagkasangkot sa Malampaya fund scandal ni Janet Lim Napoles. Adbokasiya ng 4K ang pagbubunyag sa mga katiwalian sa gobyerno kaya ibinunyag ang panloloko ni Super Beaglar Inc. owner Boy …

Read More »

Pinay, Chinese dinukot sa Sabah

SABAH – Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring pagdukot sa Filipina at Chinese national sa isang floating resort sa Semporna, isla ng Sabah. Sa ulat ng Malaysian media, tinukoy ang report ni Eastern Sabah Security Command (ESSCOM) director general Datuk Mohammad Mentek na nangyari ang insidente bandang 10:30 p.m. kamakalawa. Sinasabing nagtatrabaho sa resort ang nabanggit na Filipina. …

Read More »

Baliwag cop sibak sa Bookies

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang 29 katao bunsod ng pagpapalaro ng illegal bookies sa pagsalakay ng mga awtoridad kamakalawa ng tanghali sa Baliwag, Bulacan. Base sa report ng tanggapan ni Central Luzon Police Director, Chief Supt. Raul Petra Santa, dakong 1 p.m. nang salakayin ng mga awtoridad ang compound sa #624 Lajom St., Brgy. Sto. Cristo at nahuli ang …

Read More »

3 senador ‘itarima’ sa ordinary jail — Miriam

IGINIIT ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat walang special treatment sa mga senador sakaling sila ay maaresto, at dapat ay ilagay sila sa ordinaryong kulungan. “Therefore, they should be detained while they are undergoing hearing at huwag sila i-detain sa mga airconditioned na mga palasyo o i-house arrest kasi makikita ng tao na may diperensya pala kung mahirap ka at …

Read More »

Beteranong newscaster Harry Gasser pumanaw na

SUMAKABILANG buhay na ang beteranong newscaster na si Harry Gasser sa edad 76 anyos. Ayon sa anak ni Gasser na si Henry, namatay ang kanyang ama kahapon ng madaling araw dahil sa sakit sa puso na pinalala ng pneumonia. “He was declared dead at 3:50 a.m. Doctors tried to revive him pero wala na talaga.  Ang nag-trigger talaga sa heart …

Read More »

P214.3-M jackpot ng 6/55 Grand Lotto wala pa rin nanalo

WALA pa rin nakapag-uuwi ng P214,330,176 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ito’y makaraang mabigo ang mga tumaya sa nasabing lottery game sa pinakahuling draw. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakapagtaya sa lumabas na kombinasyong 33-03-35-31-19-38. Dahil dito, inaasahang lalo pang tataas ang pot money ng Grand lotto. Ang regular draw schedule ng 6/55 ay tuwing Lunes, …

Read More »

Mag-asawa, helper minasaker sa Isabela

CAUAYAN CITY, Isabela – Tatlo ang patay sa naganap na masaker dakong 11 p.m. kamakalawa sa isang bahay sa Albano St., District 3, Cauayan City. Patay ang mag-asawa at kasamahan nila sa bahay makaraan saksakin nang maraming beses ng dalawang salarin. Knilala ang mga namatay na biktimang sina John Pablo, 30, asawang si Lovelyn Pablo, 31, at kasama nila sa …

Read More »

4 patay sa banggaan ng trike vs van

SAN FERNANDO CITY, La Union – Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property ang kahaharapin ng driver ng delivery van na bumangga sa tricycle na ikinamatay ng apat katao sa national highway ng Brgy. Urayong sa bayan ng Caba, sa lalawigan ng La Union dakong 6:25 p.m. kamakalawa. Kinilala ang driver ng van na si Noel …

Read More »