Wednesday , October 23 2024

Masonry Layout

12 kg Shabu itinuro sa SOCO

INILINAW ng Quezon City Police District (QCPC) na wala sa kanilang pag-iingat ang sinabing 12 kilo ng shabu na narekober sa magsyotang natagpuang patay sa isang kuwarto sa isang apartelle sa Cubao nitong nakarang Biyernes sa nasabing lungsod. Ayon kay Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang reported na shabu na nakalagay sa …

Read More »

Palasyo ‘natakot’sa banta ni Duterte vs smugglers

PINAALALAHANAN ng Palasyo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na dapat ay alam niya bilang isang halal na opisyal na sa lahat ng panahon ay kailangang umiral ang “rule of law.” Pahayag ito kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., hinggil sa ulat na pinaninindigan ni Duterte ang kanyang pagbabantang papatayin niya ang mga rice smuggler sa Davao City sa …

Read More »

4,000 residente sa Mindanao inilikas dahil sa baha

UMAABOT sa 4,253 re-sidente ang naitalang inilikas mula sa limang lalawigan sa Mindanao dahil sa malawakang pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan dala ng Low Pressure Area (LPA). Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRRMC), nasa kabuuang 882 pamilya ang inilikas sa Davao del Norte, Compostella Valley, Agusan del Sur, Lanao del Norte at Surigao …

Read More »

PH nakiramay sa pagpanaw ni Sharon

NAGPAABOT ng paki-kiramay ang pamahalaang Filipinas sa pagpanaw ni former Israel Prime Minister Ariel Sharon. Sa isang kalatas, tinukoy ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez ang malaking papel na ginampanan ni Sharon sa pagsulong at pagpanatili ng kapayapaan. “Philippines joins the government and people of Israel in mourning the passage of their former Prime Minister Ariel Sharon. …

Read More »

Rotating brownouts pipilay sa ekonomiya

NANINIWALA ang isang mambabatas na malaking banta sa ekonomiya ang nakaambang rotating brownouts at power shortage sa bansa. Magreresulta ito sa pagkalugi ng mga negosyo at pagkawala ng trabaho ng libo-libong manggagawa, ayon kay Senador Bam Aquino. “Katulad ito ng nangyaring malawakang brownout sa Mindanao, na maraming kompanya ang nalugi at tuluyang nagsara at maraming manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay,” …

Read More »

Emergency powers ‘di lulutas vs power rate

MAS prayoridad ng Palasyo ang paghahanap ng kongkretong hakbang para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng koryente kaysa magkaroon ng emergency powers si Pangulong Benigno Aquino III para tugunan ang power rate hike. “Hindi pa po tinatalakay ng Pangulo ang bagay na ‘yan sa mga miyembro ng Gabinete. Sa kasalukuyan, ang kautusan ng Pangulo ay hinggil sa patuloy …

Read More »

2, 876 pasahero stranded sa Sorsogon

UMABOT sa 2,876 na pasahero ang na-stranded sa pantalan sa Matnog, Sorsogon, dahil sa walang humpay na pag-ulan dala ng umiiral na low pressure area (LPA). Nabatid sa Philippine Coast Guard (PCG), hindi na pinayagang makapaglayag ang mga barko sa nabanggit na pantalan dahil sa malalaking alon ng karagatan. Sa kasalukuyan, mahigpit pa rin ang isinasagawang pagbabantay ng PCG sa …

Read More »

Pasay ex-kagawad isinangkot sa holdap vs businessman

ISANG munhant operation ang isinagawa ng Manila Police District (MPD) laban sa dating barangay kagawad sa Pasay City na isinangkot sa panghoholdap ng riding in tandem sa isang negosyante sa Malate, Maynila kamakailan. Kinilala ang biktimang si Bobby Velasco, may-ari ng Café de Malate, habang tinukoy ang suspek na si Ramon Villareal Buragay, ex-kagawad sa Pasay City, kasama ang isa …

Read More »

US Navy nang-hostage arestado

Arestado ang isang retiradong US Navy matapos mang-hostage ng kahera sa isang apartelle sa Timog Avenue, Quezon City, Linggo. Halos tatlong oras na binihag ni Robert Mark Stasastis, 57-anyos, ang biktimang empleyado ng Paradise Apartelle na tinutukan pa umano nito ng kutsilyo. Ligtas namang nakuha ng mga tauhan ng QCPD ang biktimang hindi na pinangalanan ng mga awtoridad. Batay sa …

Read More »

Sa Region 12, patay sa dengue 67 na – DoH

TUMATAAS ang bilang ng mga namamatay dahil sa sakit ng dengue sa Rehiyon 12. Ayon sa kompirmasyon ng Department of Health (DoH) Region 12, mula sa 12,000 kaso ng dengue sa rehiyon ay umaabot na sa 67 ang iniulat na namatay. Sinabi ng DoH, mas mataas ito kung ikukumpara noong 2012 na mayroon lamang 50 namatay. Base sa monitoring ng …

Read More »

Proteksyon ng fisherfolk vs China tiniyak ng Palasyo

PINAWI ng gobyerno ang pangamba ng local fishermen kaugnay sa panibagong tensyon dulot ng ipinatutupad na “fishing policy” ng China sa bahagi ng West Philippine Sea. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi kinikilala ng Philippine government ang bagong fisheries regulation ng Beijing at malinaw na paglabag ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. Siniguro rin ng kalihim …

Read More »

25 pamilya homeless sa Caloocan fire

Tinatayang aabot sa higit P1-milyon ang halagang natupok sa sunog sa 2nd Street, 4th Avenue, Barangay 118, Grace Park, sa Caloocan City, Sabado ng gabi. Apektado ang 25 pamilya matapos masunog ang 14 kabahayan. Bandang alas-10:00 ng gabi nang nagsimula ang apoy na umabot sa ikalimang alarma. Pansamantalang nakatira ang ilang nasunugan sa kanilang mga kaanak. May isang volunteer fire …

Read More »

6-anyos totoy, lolo patay sa abandonadong condo

Natagpuang patay ang isang 6-anyos totoy  at isang lolong palaboy, sa lobby ng isang abandonadong condominium , iniulat kahapon. Kinilala ni SPO3 Glenzor Vallejo, ang biktimang si Alfredo Aguilar, 6, na sinasabing madalas nakikitulog sa lobby ng Skylark Condominium, nasa Paterno Street,  Quiapo, Maynila. Nakasuot ng kulay ubeng Nazareno t-shirt ang biktima nang matagpuang wala nang buhay, dakong 4:00 ng …

Read More »

Parak Kyusi nilikida

PATAY noon din ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng isang lalaki habang naglilinis ng kanyang sasakyan sa harap ng kanyang bahay sa Sta. Monica, Novaliches sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga. Sa ulat ni Supt. Norberto Babagay, hepe ng Quezon City Police District Police  Station 4, namatay noon din si SPO1 Miguel Guyagoy, Jr., 55, nakatalaga sa follow-up section ng …

Read More »

Rotating brownouts ‘solusyon’ sa power rate hike?

NAGBABALA ang Manila Electric Company (Meralco) sa posibilidad na makaranas ng rotating blackout ang ilang lugar sa Luzon bunsod ng inilabas na 60-day temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court sa ipatutupad sanang mahigit P4 kada kWh na dagdag singil sa koryente. Ayon sa Meralco, dahil sa TRO ng Korte Suprema ay sinasalo nila ang generation, transmission at iba pang  …

Read More »

2K deboto injured, 30 trucks ng basura sa 19-oras translacion ng Nazareno

IPINAGMALAKI ng mga organizer sa pangunguna ni Quiapo Church rector Monsignor Jose Clemente Ignacio, ang matagumpay na paglipat ng imahen ng Itim na Nazareno sa isinagawang prusisyon kamakalawa mula sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church na tumagal ng nasa 19 oras. Nabatid na nagsimula ang prusisyon dakong 7:30 a.m. kamakalawa at 2 a.m. kahapon nang naipasok nang tuluyan sa loob …

Read More »

Bumaril sa apo ni Willie Nep arestado

KASONG frustrated murder ang isinampa ng  awtoridad laban sa 30-anyos, isa sa apat na suspek sa pamamaril sa apo ng comedian/actor, Willie Nepomuceno sa Marikina City kahapon. Kinilala ni P/C Inspector Eduardo Cayetano, CID chief, ang nadakip na si Mark Bersilla, 30, binata, walang hanapbuhay, nakatira sa #131 Dao St., Marikina Heights. Dakong 5:00 ng hapon nang maaresto ang suspek …

Read More »

Puganteng utol ni Napoles tinutugis na

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na tuloy pa rin ang pagtugis sa puganteng kapatid ni Janet Lim-Napoles. Gayunman, aminado ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na tila nawala sa kanilang radar si Reynald Lim. Sa pagharap sa media ng bagong hepe ng CIDG na si Police Chief Superintendent Benjamin Magalong, sinabi niyang prayoridad nila ang paghahanap kay …

Read More »

P100-M PDAF ni Jinggoy sa Maynila idinepensa ni Erap

Ipinagtanggol ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang anak na si Sen. Jinggoy Estrada sa pagbibigay ng P100-milyon priority development assistance fund (PDAF) sa lokal na pamahalaan ng Maynila. Iginiit ni Erap na bukod sa Maynila, nakatanggap din ng P100 milyong pondo ang Caloocan City at isang lungsod sa Leyte na naapektohan ng kalamidad mula sa realignment ng pork barrel …

Read More »

4-anyos nabaril ni kuya, kritikal

MALUBHANG nasugatan ang 4-anyos batang babae nang mabaril ng sariling kapatid sa Brgy. Mobo, Kalibo, Aklan. Sa report ng pulisya, naglalaro ang magkapa-tid nang makita ng 5-anyos batang lalaki ang .45 kalibreng baril na pagmamay-ari ng kanilang ama at itinutok sa batok ng kanyang kapatid. Aksidenteng nakala-bit ng bata ang gatilyo ng baril at pumutok sa kanyang kapatid. Agad isinugod …

Read More »

Kelot, bebot itinumba sa Maynila

TODAS ang isang lalaki nang pagbabarilin sa harap ng gusaling umano’y pag-aari ni Manila Councilor Ernesto Isip, sa Sta. Cruz, Maynila, iniulat kahapon. Kinalala ang biktima alyas  “Anoy,”  nasa edad  40, may taas na 5’4″, katamtaman ang pangangatawan at miyembro ng Commando Gang. Sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor A. Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 5:42 ng umaga naganap …

Read More »

Arabo kinikilan ng pulis-MPD

PINAIMBESTIGAHAN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang reklamo ng ambassador ng Saudi Arabia sa pangingikil ng ilang pulis-Maynila sa mga Arabong turista. Inatasan ni Erap si Manila Police District–Chief District Director Staff  (MPD-CDDS) P/Senior Supt Gilbert Cruz, na makipag-ugnayan sa ambassador at alamin ang pagkakakilanlan ng 3 hanggang 4 na pulis na nakatalaga sa MPD-Station 5. Sa ipinadalang liham sa …

Read More »

Fishing policy sa West PH Sea linawin (PH sa China)

PORMAL nang hiniling ng Filipinas sa China na ipaliwanag ang bagong patakaran ng pangingisda partikular sa pinagtatalunang mga isla sa West Philippine Sea. Batay sa batas na inilabas ng Hainan Provincial People’s Congress, kaila-ngan nang magpaalam sa Beijing ang mga banyagang mangingisda kabilang ang Filipinas, bago makapangisda sa West Philippine Sea. Sinabi ni Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, labis na …

Read More »

Biik may 2 ari

PINAGKAGULUHAN ang isang bagong silang na biik sa Mapandan, Pangasinan dahil sa pagkakaroon ng da-lawang ari. Ayon sa may-ari ng baboy na si Jonathan Mendoza ng Brgy. Sta. Maria sa nasabing bayan, nanganak ang kanyang alagang baboy ng sampung biik, pito rito ay mga lalaki habang ang dalawa ay babae at ang isa naman ay hindi matukoy kung ano ang …

Read More »

AFP revamp kasado na

NAKATAKDANG magsagawa ng malawakang balasahan sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng pagreretiro ng siyam na matataas na opisyal kabilang si AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista ngayon taon. Si Bautista, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1981, ay mag-reretiro sa Hulyo 20, pagsapit sa edad na 56-anyos, ang mandatory age retirement sa AFP. …

Read More »