Neil Coleta Election

Neil Coleta buo ang loob sa pagtakbo sa Dasmarinas

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING artista ang tatakbo sa 2025 elections at  susubukan ang suwerte sa politika. Isa rito si Neil Coleta na tatakbong Councilor ng District 4 ng Dasmarin̈as City, Cavite.

Ang makatulong sa mga kababayan sa Cavite ang pangunahing intensiyon ni Neil kaya siya tumakbo.

Aniya, “Bilang  isang independent at walang partido ay mahirap, pero buo ang loob ko na ang tanging hangad ko lang kaya ako tumakbo ay makatulong sa mga kababayan ko sa Dasmarin̈as City.

“At nais kong magpasalamat sa 14 years na pagtitiwala at naniwala sa akin dito sa Dasmariñas Cavite sa aking showbiz career. Kaya ngayon ako naman ang magsisilbi sa inyo na gusto kong gawin.”

At kung papalarin si Neil ay marami siyang proyektong gustong gawin para sa ikakauunlad ng kanilang bayan at malaking tulong sa kanyang mga kababayan sa Dasmarin̈as.