4-anyos nabaril ni kuya, kritikal

MALUBHANG nasugatan ang 4-anyos batang babae nang mabaril ng sariling kapatid sa Brgy. Mobo, Kalibo, Aklan.

Sa report ng pulisya, naglalaro ang magkapa-tid nang makita ng 5-anyos batang lalaki ang .45 kalibreng baril na pagmamay-ari ng kanilang ama at itinutok sa batok ng kanyang kapatid.

Aksidenteng nakala-bit ng bata ang gatilyo ng baril at pumutok sa kanyang kapatid.

Agad isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang biktima dahil sa isang tama ng bala sa batok.

(BETH JULIAN)