Thursday , June 4 2026
NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat sa operasyong magkatuwang na ikinasa ng National Bureau of Investigation (NBI) at National Meat Inspection Service (NMIS), sa mga lungsod ng Makati at Pasay nitong Martes, 10 Marso.

Bukod sa pagdakip sa mga suspek, ipinasara ng mga awtoridad ang kanilang plantang hindi rehistrado at walang permit, habang patuloy na iimbestigahan upang matukoy ang iba pang mga sangkot sa ilegal na operasyon.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na ibinebenta sa mga online platform ang ‘hot meat’.

Agad nagkasa ng test-buy operation at sa ikalawang pagkakataon ay nakabili ang poseur buyer na sinundan ng pagdakip sa delivery rider na nagturo sa meat processing site sa lungsod ng Makati.

Nagsagawa ng species verification at kinompirma ng NMIS laboratory, gamit ang Polymerase Chain Reaction (PCR) na ang mga sample ay kompirmadong karne ng aso, dahilan upang tuluyang dakpin ang mga banyaga.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Makati, hindi agad natuklasan ang ilegal na gawain ng mga suspek dahil hindi sila nakarehistro bilang food establishment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …