Wednesday , June 3 2026
Direk Jun Miguel Ang Mga Bagong Munting Misyon

Direk Jun Miguel may bagong pelikulang pang-Holy Week 

MATABIL
ni John Fontanilla

PAGKARAAN ng matagumpay na pagpapalabas ng pelikulang  Aking Mga Anak ay may bagong handog muli si Direk Jun Miguel, na pang-Holy Week, ang Ang  Mga Bagong Munting  Misyon na mapapanood sa mga piling sinehan sa March 28,2026.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang multi-awarded director na si Direk Jun, na kilala bilang “The Father of Filipino Family and Children’s Stories,” sa patuloy na tiwala at suporta ng publiko sa kanyang mga proyekto sa telebisyon, pelikula, at digital media.

Sa loob ng maraming taon, nakilala si direk Jun sa paggawa ng values-oriented at family-friendly na mga palabas at pelikula na nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan at pamilya. 

Isa siya sa nasa likod ng multi-awarded children’s show na Talents Academy na pinarangalan ng Anak TV Seal, NCCT, at PMPC Star Awards for Television.

At ngayon, muling maghahandog si direk Jun  ng isang makabuluhang pelikula para sa buong pamilya ngayong Holy Week, ang  Ang  Mga Bagong  Munting  Misyon.

Tampok sa pelikula sina Miles Poblete, Jervy Patani at ang mga promising star na sina Jace Fierre, Madisen Go, Candice Ayesha, Celestine Simeon, Shiloh Isaiah Haresco, Jessica Robinson, Lamesse Hana Rose Trompeta Khoder, Kaye Go, Hazie Peralta, Althea Mae Guelos, Anika Figueroa, Cara Bartolo, Yzabelle Perez, Jewel Manalo, Aljur Allan Perez, Kyrie Ramos, Tobby Leonard Rodriguez, Ellie Caspin, Miguel Yohann Garcia, Andrea Go, Andrea Tallafer Agaton, atFleur Zara.

Ayon pa  kay direk Jun, layunin ng pelikula na ipaalala sa kabataan at pamilya ang kahalagahan ng pananampalataya, kabutihan, at pagtulong sa kapwa, lalo na sa panahon ng Holy Week.

Bukod sa pelikula, abangan din ang kanyang bagong educational program na Lakbay Kaalaman na magbibigay ng makabuluhang aral tungkol sa kultura, kasaysayan, at kaalaman para sa kabataan.

Patuloy na ipinakikita ni Direk Jun ang kanyang misyon na gumawa ng pelikula at programa na hindi lamang nagbibigay aliw kundi nagtuturo rin ng mabuting asal at pagpapahalaga sa pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …