This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ANIM pasahero ang sugatan nang bumangga ang isang bus sa railing ng tulay sa STAR Tollway sakop ng Brgy. Sabang, Batangas City nitong Martes ng gabi.Β
Dalawang oras ding hindi nadaanan ng mga motorista ang parahong lane sa lugar nang kumalat ang langis mula sa RRCG bus at ang debris mula sa nasirang concrete barrier.
Kinilala ni Carlito America, Traffic and Security Officer ng Startollway, ang bus driver na si Conrado dela Rosa, pansamantalang nakapiit sa Batangas City Police Station para sa imbestigasyon.Β
Habang isinugod sa St. Camillus Hospital ang anim na nasaktang mga pasahero.Β
Dagdag ni America, βWeβre still verifying kung mga empleyado din ng RRCG ang anim na sakay ng bus kasi pare-pareho silang mga nakainom ng alak.βΒ