This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
CEBU CITY – Malubhang nalapnos ang katawan ng isang vendor habang sugatan ang 14 pang iba kabilang ang siyam mga estudyante, bunsod nang sumabog na kerosene stove sa loob ng food park ng Cebu Technological University main campus kamakalawa.
Ayon SFO1 Tristan Tadatada ng Cebu City Bureau of Fire Protection (BFP), nagluluto si Arenato Catarongan, 41, nang biglang sumabog at nagliyab ang stove at mabilis na kumalat ang apoy sa katabing mga tindahan.
Ayon kay Tadatada, nalapnos din ang katawan ng katabing vendors na kinilalang sina Fibua Lauron, 35; Jelly Ann Dedicatoria, 17; Jenelyn Tuburan, 15, at Janice Tabar, 40, gayondin ang siyam mga estudyante at isang administrative officer.
Inianunsyo ni Dr. Rogelio Villamor, ang university doctor,Β maayos na ang kondisyon ng nasabing mga estudyante maliban kay Charish Lynn Barinaga, 17, nananatili pa rin sa pagamutan dahil nahilo nang ma-suffocate.
Tinatayang aabot sa 10 stalls ang naabo at dalawang partially damage ang iniwan ng nasabing insidente.