Kinse anyos 7 beses sinaksak ng rapist (Pumalag sa rape)

112514 crime sceneKRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 15-anyos dalagita makaraan pitong beses saksakin nang pumalag sa tangkang panggagahasa ng isang 27-anyos lalaki habang natutulog kamakalawa ng madaling-araw sa San Mateo, Rizal.

Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, hepe ng San Mateo Police, ang nadakip na suspek na si Airmel Sultan, delivery boy,Β  nakatira sa Purok 4, Buntong Palay, habang ang biktima ay itinago sa pangalang Jessica.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 2:30 a.m. nang tangkaing gahasain ng suspek ang biktima habang natutulog sa bahay ng kanilang kaibigan.

Nagising ang biktima nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakapatong sa kanya kaya napabalikwas ngunit inupakan siya ng suspek at pitong beses na sinaksak saka mabilis na tumakas.

Nauna rito, nakipag-inoman ang suspek at biktima sa bahay ng kanilang kaibigan at nang malasing ang dalagita ay doon na nakitulog ngunit may maitim palang balak sa kanya ang salarin.

Agad naaresto ang suspek sa follow-up operation at kasalukuyan nang nakapiit sa himpilan ng pulisya.

Ed Moreno