This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
HINDI nakaporma ang isang Liberian national nang masakote ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa lalawigan ng Pampanga kamakalawa.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang suspek na si Izo Noble, 35, nakatira sa Camp Johnson Rd., Monrovia, Liberia, at kasalukuyang naninirahan sa Don Rosario Street, Angeles City, ng naturang probinsya.
Ayon sa ulat, naki-pagtransakyon ang ahente ng PDEA sa suspek at napagkasunduan mag-aabutan sa Mc Arthur Highway, Brgy. Dau, Mabalacat City.
Nang iabot ng suspek ang isang medium size plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng 98 gramong shabu sa ahente ng PDEA, ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.