This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MAKARAAN ang bigtime oil price hike, ang singil naman sa koryente ang tataas.
Inianunsiyo na ng Meralco ang P0.84 kada kilowatthour (kWh) na taas-singil sa generation at iba pang charges.
Katumbas ito ng P167 na dagdag sa bill ng mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, P251 sa 300 kWh users, P335 sa 400 kWh users, at P419 sa 500 kWh users.