Wednesday , August 17 2022

Ang Tigre sa Year of the Sheep  

ni Tracy Cabrera

021015 tiger Sheep   

(2/14/2010, 1/28/1998, 2/09/1986, 1/23/1974, 2/05/1962, 2/17/1950, 1/31/1938, 2/13/1926, 1/26/19124)

SA 2015, magiging sobrang matagumpay ang mga Tigre na para bang kamag-anak sila ng diyosa ng pag-ibig na si Venus mismo at Pangulo ng bansa.

Masasabing walang magiging kabiguan, problema at pagtanggis sa alin mang larangan. Pero pangkaraniwang kaalaman na ang halaga ng isang bagay ay kabaligtaran ang tumbas sa effort sa pagkamit nito; kaya, maaaring magkamali sa intertpretasyon sa realidad sa kanilang paligid.

Ipinapayo ng horoscope sa mga Tigre na tandaang kapag boluntaryong inialok ng isang baboy ang kanyang sarili bilang hapunan, hindi ito bawas sa nutrisyon tulad ng mahuhuli sa kagubatan.

Sa Year of the Wood Sheep (Ram, Goat), maraming mga pasarap ang mahuhulog sa iyong mga palad habang ang iba ay magsasagawa ng walang katuturang pagtatangka para makuha rin ang mga ito. Matutong i-appreciate ang mga regalo ng buhay; kung hindi ay baka magalit sa inyo ang mga bituin at talikuran kayo sa mahabang panahon.

Maraming mga Tigre ang magpo-focus sa mga bagay na interesado lang sila at ang kanilang mga point of interest ay clubbing, fashion at sariling kalusugan. Hindi na kailangan pang pagtalunan na mas masarap ang isang araw na pagbabakasyon sa probinsiya kaysa mag-computer maghapon sa loob ng inyong tanggapan; ngunit magkapareho silang maha-laga sa inyong buhay. Ang paggugol ng masasayang panahon kasama ang pamil-ya ay nakatutulong sa ating magkaroong muli ng enerhiya at makapag-bonding din sa ating mga mahal; kasabay nito’y nakapagbibigay din ang pagtatrabaho ng sapat na kita para ma-enjoy ang ating pamumuhay.

Sa taon ng Kambing , ipinapayo rin ng horoscope sa mga Tigre na huwag ma-carried away sa kasiyahan at huwag din ipagwalang-bahala ang trabaho; kung hindi ay baka humantong sa kawalan ng hanapbuhay dahil sa pagkalulong sa mga luho at pasarap sa buhay.

Sa pag-ibig, iminumungkahi ng horoscope na magpakita ng pagpigil at pag-iingat. Kung nasanay sa pagsalakay sa inyong biktima nang hindi nag-iisip na baka ang bibiktimahin ay siyang bibiktima din naman sa inyo, napapanahon na baguhin ang inyong taktika! Maging maingat sa pagpili ng kapareha; dahil ang totoo’y mas nararapat na kasama ang mabubuting nilalang sa paglalakbay sa buhay.

Kung nararamdaman ng inyong kapareha ay hindi magkaayon, magkaiba ang bilis, magkaiba sa panahon at maa-aring magkaiba rin sa mga ninanais, na-ngangahulugan na nagkamali kayo sa pagpili ng inyong ‘bettrer half.’

Sa 2015, may ilang mga Tigre, sa pagdama ng kanilang kapangyarihan, ay magdedesisyong dominahin ang ibang tao. Tiyak na hindi ito magugustuhan ng dinodomina. Isipin na lang kung nanaisin din namang maging kasama ng isang indibiduwal na kumakaladkad sa iyo gamit ang tali sa aso.

Ang nararapat ay magkasama ang da-lawa o tatlo o labis dahil magkakasundo sila at hindi sa dinodomina ng isa o labis.

Para sa mga Tigreng magagawang isantabi ang katamaran at pagkawalang-bahala ay mas maraming magagawa sa taon 2015. Tunay na sa nakaraan ay na-ging dahilan para ipagyabang ka ng iyong kamaganakan sanhi ng iyong tagumpay at ito rin ang dahilan na kainggitan ka ng iba dahil sa tinatamasang suwerte. Ang 2015 Wood Sheep Year ay maka-tutulong sa mga Tigre na labanan nila ang kanilang pagkamahiyain na pumipigil sa kanilang pagtatagumpay habang ipinapakita rin ang kanilang talento sa buong mundo.

Ipinapayo rito ng horoscope na ang tagumpay sa taon na ito ay daraan sa puso ng mga tao kaya kakailanganing magtrabaho nang husto kasama ang inyong mga katrabaho at partner sa negosyo.

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Nature Herbs

Health frontliner na nakabakasyon pero tinamaan ng Omicron pinaigi ng Krystall Nature Herbs

Dear Sis Fely Guy Ong,                I’m Carlos Alfon delos Reyes, 28 years old, working …

Zeinab Harake Rhea Tan Beautederm Koreisu Family Toothpaste Etré Clair

Zeinab ipinagmalaki ang fresh breath dahil sa Beautéderm, grateful kay Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BAKAS ang kagalakan kay Zeinab Harake dahil siya ang buwena …

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star …

Cebu Pacific CebPac Gr8 8 8

Gr8 8.8 Seat Sale ng CebPac inilunsad

INILUNSAD ng Cebu Pacific ang kanilang special seat sale para sa parehong domestic at international …

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Zeinab opisyal nang oral care ambassador ng Beautéderm

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio OPISYAL nang inilunsad ng Beautéderm Corporation ang social media star na si Zeinab …

Leave a Reply