This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang isang 47-anyos lalaki makaraan tagain ng kanyang nakatatandang kapatid dahil sa matagal nang alitan kaugnay sa renta ng inuupahan nilang boarding house, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Kinilala ang biktimang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital na si Michael Decena, ng 1738 Tramo St., Zone 6, Brgy. 43, Pasay City.
Habang sugatan din ang suspek na si Julius Cesar Decena, 49, driver, residente rin ng nasabing lugar, na binugbog ng taumbayan nang magtangkang tumakas makaraan ang pananaga.
Sa imbestigasyon nina PO3 Reynaldo Wangi at PO2 Robinson Alsol, naganap ang insidente dakong 8 p.m. sa 1738 Tramo St., Zone 6, Brgy. 43 ng lungsod.
Sinasabing nagtaloย ang magkapatid kaugnay sa dati nilang alitan sa pagbabayadย ย ng renta ng kanilang unuupahang boarding house.
Humantong ito sa suntukan hanggang sa kumuha ng jungle bolo ang suspek at tinaga sa ulo ang biktima.
Pagkaraan ay nagtangkang tumakas ang suspek ngunit hinabol siya ng taumbayan at pinagtulungan siyang bugbugin saka dinala sa himpilan ng pulisya.