Thursday , June 4 2026
Arellano NCAA cheerleading
ANG Arellano University Chiefsquad kampeon sa NCAA Season 101 Cheerleading Competition na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. (PSC photo)

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong sunod na kampeonato noong Huwebes.

Muling nagningning ang Chiefsquad nang masungkit nito ang gintong medalya sa NCAA Season 101 Cheerleading Competition na inihandog ng Philippine Sports Commission na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Nakapagtala ang Arellano ng kabuuang 231 puntos, na nagpalawig sa kanilang winning streak na nagsimula pa noong 2017 sa Season 92 ng liga.

Ayon kay coach Lucky San Juan, malaking bahagi ng tagumpay ang dedikasyon ng kanyang mga miyembro.

“Nagpapasalamat ako sa mga bata ko. Kung ‘di dahil sa kanila, ‘di magiging successful ‘tong seventh straight,” ani San Juan.

Gayunman, aminado ang coach na magiging hamon pa rin ang pagpapanatili ng kanilang dominasyon sa susunod na taon.

“Ito ‘yong challenge. Kahit sabihin nating nanalo ngayon, mahirap pa rin para sa next year,” dagdag niya.

Tulad ng nakaraang taon, nanatiling pareho ang mga koponang umakyat sa podium. Nakuha ng University of Perpetual Help ang pilak matapos makapagtala ng 221 puntos, habang bronse naman ang napunta sa Letran Cheering Squad na may 199.5 puntos.

Sa kabila ng matinding pressure na mapanatili ang kanilang titulo, nanatiling kumpiyansa si San Juan sa kakayahan ng kanyang koponan.

“Ang laki ng tiwala ko sa kanila. Sobra nilang inaral at nireview ‘yang mga ‘yan,” aniya.

Dahil sa panalo, nag-uwi ang Arellano ng P100,000 na grand prize. Tumanggap naman ng P75,000 ang Perpetual Help at P50,000 ang Letran.

Samantala, pumuwesto sa ikaapat ang Emilio Aguinaldo College na may 185.5 puntos, habang nakapasok naman sa Top 5 ang Jose Rizal University na nakapagtala ng 162 puntos. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …