Presyo ng tubig nakaambang tumaas

water hikeMAKARAAN tumaas ang presyo ng produktong petrolyo at koryente, nakaamba ring tumaas ang singil sa tubig.

Isinusulong ng Maynilad ang dagdag-singil makaraan manalo sa arbitration proceeding, at nakapagsumite na ng utay-utay na taas-singil sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office.

Higit P3 kada cubic meter ang taas-singil dahil ipinasok sa kwenta ang dalawang taon inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ngunit giit ng MWSS, hindi pa pwedeng magtaas ng singil ang Maynilad dahil hihintayin pa ng tanggapan ang desisyon ng arbitration proceeding sa Manila Water.

Habang sigaw ng grupong Water for All Refund Movement (WARM), hindi na dapat ipatupad ang dagdag-singil sa tubig.Β