Thursday , June 4 2026
World Surf League WSL PSC

WSL, PSC nagkaisa para sa 2 international surfing events sa PH sa 2026-2027

ANG mga event sa Cloud 9 at La Union ay itinaas sa international status sa loob ng 2 taon, dahil sa bagong pakikipagtulungan ng World Surf League at Philippine Sports Commission.

PINALAKAS ng World Surf League (WSL) ang ugnayan nito sa Pilipinas matapos ipahayag ang pagdaraos ng dalawang international surfing competitions sa bansa sa 2026 at 2027. Ito ay bunga ng bagong pinalawak na pakikipagtulungan sa Philippine Sports Commission (PSC).

Sa ilalim ng kasunduan, ang Siargao International Surfing Cup ay itataas sa QS 6000 International level, habang ang La Union Longboard Classic ay isasama sa elite WSL Longboard Tour.

Ayon sa WSL, ang pag-upgrade ng dalawang kompetisyon ay magtitiyak ng hindi bababa sa dalawang taon ng high-level professional surfing events sa bansa.

Ang kilalang surfing spot na Cloud 9 sa Siargao ang magsisilbing venue ng 2026 Siargao International Surfing Cup, na gaganapin mula Oktubre 16 hanggang 25, 2026.

Samantala, ang La Union International Longboard Pro ay idaos sa Urbiztondo Beach sa La Union mula Enero 20 hanggang 24, 2027.

Sinabi ni Patrick C. Gregorio, chairman ng Philippine Sports Commission, na mahalaga ang hakbang na ito upang maipakita sa buong mundo na ang Pilipinas ay isa nang seryosong destinasyon para sa international sporting events.

Dagdag pa niya, inaasahang aabot sa 50 bansa ang lalahok sa dalawang kompetisyon, na magbibigay ng malaking oportunidad hindi lamang sa mga international surfers kundi maging sa mga lokal na atleta.

Kilala rin ang La Union bilang isa sa pangunahing longboarding hubs sa Asia at tahanan ng kilalang surfer na si Rogelio Jr Esquievel, na patuloy na nagbibigay ng karangalan sa bansa sa international competitions.

Ayon pa sa WSL, inaasahang makakatulong ang mga naturang event sa pagpapalakas ng turismo, lokal na ekonomiya, at sa pagpapakilala ng likas na ganda ng Pilipinas sa pandaigdigang komunidad. Ang dalawang event ay suportado ng SDMI Sports. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …