Monday , August 8 2022

Ginang sugatan sa taga ni bayaw

090814 knifeSUGATAN ang isang ginang makaraan tagain ng lasing niyang bayaw nang tumanggi ang biktima na makipag-inoman ang kanyang kinakasama sa suspek kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Kinilala ang biktimang si Maiden Bolina, 44-anyos, residente ng C. Perez St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Habang arestado ang suspek na si Nover Gualba, 34, nahaharap sa kasong frustrated homicide, alarm and scandal at paglabag sa BP6, gayondin ang kuya niyang si Nicanor, 43, nang mahulihan ng jungle bolo.

Sa ulat ni PO3 Jun Belbes, dakong 12:30 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Papatulog na si Bolina at live-in partner niyang si Nicanor nang dumating ang lasing na si Nover at pilit na niyaya ang kanyang kuya na makipag-inoman ngunit tumanggi ang biktima.

Bunsod nito, nagalit ang suspek at tinaga sa kamay ang biktima na mabilis na tumakbo at humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Nang aarestohin si Nover ay nahulihan din ang kuya niyang si Nicanor ng jungle bolo kaya kapwa sila dinala sa himpilan ng pulisya.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …

Leave a Reply