Thursday , December 18 2025

Classic Layout

Obvious bias ng PET justice tinuligsa ni BBM

BINATIKOS ni dating Senador Ferdinand R. Marcos, Jr. kahapon ang aniya’y “obvious bias” ni Supreme Court Associate Justice Benjamin Caguioa, ang ponente ng kanyang election protest na nakabinbin sa Presidential Electoral Tribunal (PET), laban sa kanya at pabor kay dating Camarines Sur Rep. Leni Robredo. Sa kanyang pagsasalita sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, sinabi …

Read More »

Traslacion ng Nazareno umabot ng 22-oras

NAIBALIK na ang andas ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church dakong 3:00 ng madaling-araw nitong Miyerkoles, ma­kalipas ang 22-oras ma­karaan magsimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand nitong Martes ng madaling-araw. Halos 2.5 milyong deboto ang sumabay sa 6.9-kilometer procession na nagsimula pasado 5:00 am nitong Martes mula sa Quirino Grandstand, at umabot ng 6.3 mil-yon nang makarating sa Quiapo …

Read More »

3 Chinese arestado sa pagdukot sa Taiwanese

ARESTADO ng mga elemento ng Parañaque City Police ang tatlong Chinese national na dumukot, nanakit at ilegal na nagdetine sa isang Taiwanese national sa isang hotel nitong 7 Enero ng madaling-araw dahil sa hindi nabayarang utang. Iniharap sa media nina Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., at Parañaque City Police chief, Senior Supt. Victor Rosete ang …

Read More »

Taas-pasahe ‘di puwede (Hanggang Marso) — LTFRB

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang mangyayaring dagdag-singil sa pasahe hanggang Marso. Ito ay makaraan ang sunod-sunod na hirit na dagdag-pasahe dahil sa nakaambang pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng ipatutupad na bagong excise tax sa petrolyo. Sinabi ni LTFRB board member at spokesperson Aileen Lizada, malayong aprubahan nila agad ang mga petisyon ng …

Read More »
internet slow connection

South Korean telco gusto mag-3rd player sa PH

ISANG South Korean telecommunications company ang interesadong makipagtunggalian sa China upang maging third party player sa Filipinas. Sa cabinet meeting kamakalawa, inihayag ni Department of Information and Communications Technology Officer-in-Charge Eliseo Rio Jr., nais ng Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T), kasama ang Korean telecom company, na mag-operate sa bansa. “DICT Acting Secretary Rio mentioned that so far two (companies) …

Read More »
salary increase pay hike

Wage hike ng titser hindi una sa Palasyo

HINDI prayoridad ng gobyerno ang umento sa sahod ng 600,000 pampublikong guro sa buong bansa, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno. Sa press conference kahapon, sinabi ni Diokno, mas tututukan ng pamahalaan ang mga proyektong pang-empraestruktura sa ilalim ng Build,Build, Build program, pagkakaloob ng proteksiyong panlipunan at pagkalinga sa mahihirap. “I think that is not our priority at this time. …

Read More »

Propaganda war kakasahan ng Palasyo

PALALAKASIN ng Palasyo ang kanilang propaganda at hahasain ang kakayahan ng mga propagandista ng pamahalaan upang labanan ang ipinakakalat na pekeng balita laban sa administrasyong Duterte. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, magkakaroon ng “strategic communication center” sa gusali ng Philippine Information Agency (PIA) sa Quezon City para gamitin training ground ng mga propagandista ng pamahalaan mula lokal hanggang pambansang …

Read More »

Piyansa ni Reyes kanselahin — Ombudsman (Aprobado sa Palasyo)

IKINAGALAK ng Palasyo ang hirit ng Ombudsman sa Sandiganbayan na kanselahin ang inilagak na piyansa ni dating Palawan Gov. Joel Reyes at iutos ang pag-aresto sa kanya. “That’s how it should be! I commend OMB for the order,” ayon sa text message ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga mamamahayag kahapon. Sa pahayag ng Ombudsman, may pangangailangan para pigilin maulit …

Read More »

Bago ni Erich, mas gwapo at edukado compared kay Daniel!

PINANGALANAN na ang bago ni Erich Gonzales after her acrimonious break-up with Daniel Matsunaga. His name is Mateo Lorenzo and he supposedly comes from a very opulent clan. Ex raw nito si Katerina Rodriguez reigning Miss Intercontenintal 2017. The guy is supposedly better looking than Daniel Matsunaga. Their family used to own Pancake House. So far, isa raw ang pamilya …

Read More »

Gabby Concepcion, nakaalalang i-greet si Sharon Cuneta on her 52nd birthday

NAALALANG i-greet, kahit belated na, ng GMA-7 actor na si Gabby Concepcion sa Instagram last Sunday, January 7, si Sharon Cuneta. January 6 talaga ang 52nd birthday ni Sharon at maraming Sharonians ang kinilig sa greetings ni Gabby. Ini-upload ni Gabby ang screenshot ng Instagram account ni KC Concepcion na makikita sa Instagram feed nito ang kanyang sunod-sunod na post …

Read More »