MAY pag-aalinlangan si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan sa kakayahan ng third telco — ang DITO Telecommunity Corp., na makompleto ang rollout program nito bago sumapit ang Hulyo 2020. Ang commercial operations ng DITO, dating Mislatel Consortium, ay pinangangambahang maantala dahil sa komplikadong proseso ng pagkuha ng permit para sa pagtatayo ng cell tower. Ayon …
Read More »Carnival children’s party para sa 400 PWDs, handog ng St. Ignatius Rotary Club
INAASAHANG magdudulot ng kaligayahan ang inihahandang carnival-themed Children’s party ng Rotary Club of St. Ignatius para sa mga batang patient with disabilities (PWDs) ng Barangay Commonwealth, Quezon City. Bilang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rotary Club of St. Ignatius District 3780, maghahandog ang kanilang pamunuan sa 400 PWDs na may edad 6-13 anyos, ng isang espesyal na kasayahan …
Read More »Pinoy artists kalahok sa Penang Intercultural Art Exhibit
BIBIDA ang mga Pinoy artist sa Penang Intercultural Art Exhibition na gaganapin sa 23-29 Pebrero 2020 sa Island Gallery sa 6 Jalan Phuah Hin Leong, Pulau Penang, 10050 George town, Malaysia. Kabilang sa mga Pinoy artists sina Roy Espinosa, Mylene Quito, Madoline dela Rosa, Nani Reyes, Noel Bueza, Manuel Sinquenco, Raymundo Gozon, Mark Anthony Talion Viñas, Al Vargas, Angelie Banaag, …
Read More »SMAC TV Prod talents, dumarami na; Awra, tatapan si Vice Ganda
PARANG kailan lang nang nag-uumpisa pa lang ang SMAC TV Productions pero ngayon, anim na taon na pala sila. Kasabay ng paglaki nila ang pagdami rin ng kanilang mga alaga na may kanya-kanyang shows sa iba’t ibang TV network at platforms. Ang dating talents nila ay sina Justin Lee, Mateo San Juan, Isaiah Tiglao, Rish Ramos, Miko Juarez (Pinoy Boyband top 12 finalist), Aiana Juarez (Youtube sensation), Gabriel Umali (Pinoy Boyband top 25) …
Read More »5 suspek na ‘sumunog’ sa vendor ng lobo sumuko
MATAPOS manawagan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sumuko ang mga kabataang ‘sumunog’ sa vendor ng lobo, personal na nagtungo sa tanggapan ng alkalde ang limang suspek kasama ang kanilang mga magulang sa Manila City Hall kahapon. Iniharap ni Mayor Isko sa media ang mga suspek kabilang ang apat na menor de edad gayundin si Dranreb Colon, 18, ng …
Read More »State guarantee hinarang ng ex-solon… Dennis Uy supalpal sa ‘shopping spree’
SINOPLA ng Makabayan bloc ang paghingi ni Davao-based businessman Dennis Uy ng sovereign guarantee para sa bilyon-bilyong pisong uutangin para sa patuloy na ‘shopping spree’ sa higit na pagpapalawak ng negosyo. Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmeranes, hindi nakapagtataka ang ginawang ‘buying spree’ ni Uy sa ilang malalaking kompanya mula noong 2017 hanggang 2019 dahil inaasahan nito ang backing …
Read More »Consumers sa ERC: Maging makatao, dirty coal contracts ng Meralco, ibasura
HINIKAYAT ng clean energy at grupo ng mga konsumer sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magpamalas ng pagmamahal sa pamamagitan ng hindi pagpayag na magwagi ang dirty coal contracts makaraang ianunsiyo na sa mga darating na araw ay kanila nang ilalabas ang naging desisyon sa aplikasyon ng anim na bagong power contracts ng Meralco. Ayon sa Power for People Coalition …
Read More »Mayor, 9 pa kinasuhan ng transport group
SINAMPAHAN na ng kaso ng transport group sa Tanggapan ng Ombudsman ang dating alkalde at mahigit siyam na iba pa dahil sa pangha-harass sa kanilang mga opisyal at miyembro. Batay sa 12-pahinang reklamo na may petsang 14 Pebrero 2020 na isinampa ng Common Transport Service Cooperative na kinatawan ni Deltha Bernardo bilang general manager, kasama ang board of directors at …
Read More »Serbisyo hindi maayos… Reklamo vs Primewater bumuhos
INULAN ng reklamo ang Primewater Infrastructure Corporation dahil sa hindi maayos na serbisyo at sobrang taas ng singil. Sinabi ni dating Anakpawis Rep. Ariel Casilao, nakalulungkot na profit ang pangunahing interes sa takeover ng Primewater, pag-aari ng bilyonaryong mag-asawang Sen. Cynthia at Manny Villar, sa mga water district at hindi para bumuti ang serbisyo at magkaroon nang maayos na supply …
Read More »Mga testigo ihaharap sa Kamara — solon… Ebidensiya vs Primewater matibay
TINIYAK ng Makabayan bloc na mayroon silang matitibay na ebidensiya at mga testigong handang humarap sa House of Representatives sa oras na gumulong ang imbestigasyon sa sinabing maanomalyang takeover ng Villar-owned Primewater Infrastucture Corporation sa ilang local water districts sa bansa. Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, ang mga resource person at mga testigong kanilang ihaharap ay kinabibilangan ng …
Read More »Hindi namin nilabag ang batas — ABS-CBN sa Quo Warranto Petition ng OSG
IGINIIT ng ABS-CBN na lahat ng ginagawa nila ay naaayon sa batas. Ito ay sa kabila ng pagsasabi ng Office of the Solicitor General na may nilabag ang Kapamilya Network. Sa press statement na ipinalabas ng network, sinabi nilang maaaring mauwi sa pagpapasara ng ABS-CBN ang quo warranto case na isinampa ng OSG laban sa kanila dahil sa umano’y paglabag sa franchise. Makakasama ito …
Read More »Nabuking ng COA… Anomalya sa Kaliwa dam deal
NASILIP ng Commission on Audit (COA) ang ilang iregularidad sa paggagawad ng kontrata para sa konstruksiyon ng P12.2-bilyong proyekto para sa Kaliwa Dam project sa Infanta, Quezon sa isang Chinese firm. Sa walong-pahinang audit observation memorandum na may petsang 10 Hunyo 2019, sinabi ng COA na nabigo ang technical working group (TWG) ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na …
Read More »Chinese na nanagasa, nandura, ‘ipinatatapon ni Manila Mayor Isko
NAIS ni Mayor Francisco “Isko” Domagoso na ideklarang undesirable alien o ipatapon sa labas ng bansa ang Chinese national na nanagasa at nandura sa pulis nang sitahin dahil sa paglabag sa number coding. Sa kanyang capital report, inatasan ng alkalde ang MPD Special Mayors Reaction Team (SMaRT) na makipag-ugnayan sa Bureau of Immigration (BI) para sa tamang proseso patawan ng …
Read More »Mula sa PSALM pantugon sa nCoV crisis… Power firm ni Ramon Ang dapat singilin sa P19-B utang
SA HARAP ng ginagawang pagbusisi sa mga onerous contract na pinasok ng gobyerno sa mga nakaraang administrasyon, hinamon ng Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Duterte na habulin at pagbayarin ang mga negosyanteng malapit sa kanya na may malaking pagkakautang sa pamahalaan. Ayon kina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate, makikita ang sinseridad ng administrasyon …
Read More »Cellphone ni Direk, makasalanan
MASYADO raw “makasalanan ang cellphone” ni direk. Kasi nasa cellphone ni direk ang mga picture at video ng mga naka-affair niya, kabilang na ang ilang mga male star. Trip daw kasi talaga ni direk na matapos makipag-sex, ivini-video niya kung sino man ang kanyang nakaka-sex. Payag naman daw ang mga lalaki dahil hindi naman ikinakalat iyon ni direk, at saka siguro …
Read More »BABALA: Ian Darcy bistadong hindi rehistrado
NABERIPIKA ng Center for Cosmetics Regulation and Research ng Food and Drug Administration (FDA), alinsunod sa ginawang monitoring at sample purchase ng pabango na hindi rehistrado ang pabangong Ian Darcy Eau de Parfum. Sa ilalim ng batas, kinakailangang mag notify o magrehistro sa FDA ang lahat ng produktong cosmetics, kabilang ang mga pabangong ibebenta sa publiko. Ito ay upang masigurado …
Read More »Pinay DH sa Dubai patay sa ‘virus’
ISANG 58-anyos Filipina domestic worker sa Dubai ang iniulat ng pahayagang The Filipino Times (TFT) na namatay dahil sa respiratory illness. Kinompirma ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa nasabing pahayagan sa Dubai. Ayon kay Bello, humihingi ng tulong ang pamilya ng Filipina upang maiuwi ang kanilang kapamilya na nakatakdang sunugin sa Dubai. Sa panayam ng TFT, nabatid kay …
Read More »75th anniversary ng Battle for Manila ginunita sa lungsod
GINUNITA ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang katapangan at pagmamahal sa bayan ng mga Filipino noong panahon ng digmaan upang makamit ang pag-asa at demokrasya. Sa ika-75 anibersaryo ng Battle for Manila, pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko” Domagoso, ang program at sinabi ng alkalde na isantabi na ang hindi pagkakaunawaan. Aniya, 75 taon na ang nakalilipas at marami na ang …
Read More »Labi ng ‘expired’ nCoV patient sa PH ikini-cremate — DOH
SINUNOG ang mga labi ng Chinese na nagpositibo sa 2019-nCoV ARD at namatay sa Filipinas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Lunes, 3 Pebrero. “Mayroon tayong tinatawag na burial saka ‘yung pangangasiwa ng pumanaw at ng katawan nito… at sa pinakahuling ulat sa akin, ike-cremate,” pahayag ni Duque sa isang panayam. Dagdag ng kalihim, hindi na maipapasa ang …
Read More »PH may 80 PUIs sa nCoV
PUMALO sa 80 pasyente ang ikinategoryang persons under investigation (PUIs) para sa novel coronavirus (nCoV) sa pinakahuling tala ng Department of Health (DoH) kahapon ng tanghali. Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, sa nabanggit na bilang, 67 ang naka-admit at nasa isolation. Habang ang 10 ay pinauwi na pero estriktong mino-monitor ng mga doktor. Ang tatlo ay kinabibilangan ng …
Read More »Digong walang kibo sa bilyonaryong ‘di nagbayad ng utang sa gobyerno? P19-B atraso ng power firm ni Ramon Ang
NANGUNGUNA ang Independent Power Producer Administrators (IPPAs) at electric cooperatives sa listahan ng top corporate entities na matagal nang may pagkakautang sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) nang kabuuang P59.23 bilyon hanggang noong Disyembre 2018. Karamihan sa accounts nito ay inilipat ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa PSALM sa bisa ng EPIRA, o Republic Act 9136, in 2001. Sa …
Read More »Senior citizens, PWDs tanggap na sa fast food resto at supermarkets
MAAARI nang makapagtrabaho ang ilang senior citizens at persons with disability (PWDs) sa ilang fast food restaurant at supermarket sa Lungsod ng Maynila. Lumagda si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng kasunduan kasama ang food companies na KFC at Tokyo Tokyo, at maging sa supermarket na Puregold para magbukas ng bakanteng trabaho sa senior citizens at PWDs. Dahil dito, tatanggap …
Read More »Tauhan ng PAGCOR buking na ‘fixer’
BISTADO ang isang lalaki na sinabing tauhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isang ‘fixer.’ Hindi pinangalanan ni Jimmy Bondoc, Vice President for Social Responsibility Group ng PAGCOR, ang suspek na naaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay Bondoc, nakatanggap sila ng mga ginagawang iregularidad ng suspek tulad nang paglapit sa mga humihingi …
Read More »PH nagtala ng unang kaso ng n-Cov
NAKOMPIRMA ng Filipinas ang pinakaunang kaso ng bagong uri ng coronavirus sa isang babaeng Chinese mula Wuhan, ang lungsod sa China na pinagmulan ng virus, pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon. Dumating nitong Huwebes ang resulta ng laboratory test mula Australia na nagpakitang positibo sa 2019 novel coronavirus ang isang 38-anyos Chinese woman na dumating sa bansa noong …
Read More »Ex-Solon: Batangas property ‘di dapat ibigay sa crony ni PRRD… Chevron haharangin kay Dennis Uy
KONGRESO at hindi Malacañang ang dapat magrebyu sa mga sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘onerous contracts.’ Pahayag ito kahapon ng liderato ng militanteng grupong Bayan Muna sabay panawagan sa Pangulo na ‘wag ibigay sa kanyang kaibigan at lumalabas na crony na si Dennis Uy ang pamamahala ng malawak na lupain sa Batangas na ginagamit ng Chevron Philippines bilang gas …
Read More »