Wednesday , August 10 2022
Rida Robes

Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos unahin bago face-to-face classes – Robes

UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na unahing mabakunahan ang mga batang edad 5-11 anyos bago payagang pumasok para sa face-to-face classes.

Sa kanyang privilege speech noong Lunes, sinabi ni Robes, maging ang mga nasa kolehiyo ay limitado sa mga estudyanteng nabakunahan na kaya’t dapat ay gawin din itong panuntunan sa mga batang nasa kinder at elementary school para sa kanilang proteksiyon.

“Kung ang mga nasa kolehiyo ay pinapagayan nating pumasok ang may full vaccination status, mas lalo sana nating proteksiyonan ang mga mas batang estudyante na hindi pa bakunado,” pahayag ni Robes.

“Ako po ay isang ina at alam ko ang damdamin sa ating mga anak kapag sila ay pumapasok sa eskuwela lalo na ngayong panahon na may nakaambang virus na maaari nilang makuha sa kanilang pagpasok. Ang mga may pilot run na face-to-face classes ay mga bata na nasa edad 5-11 anyos na hindi pa nabakunahan dahil wala pang bakuna na pinapayagan sa kanilang edad,” giit ng mambabatas.

Idinugtong ng mambabatas, sa kasalukuyan wala pa aniyang lumilikha ng bakuna ang nagsumite ng kanilang Emergency Use Application (EUS) para sa mga batang may edad 5-11 anyos.

Nauna ng ipinahayag ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na hinihintay nila ang Pfizer BioNTech na magsumite ng aplikasyon para sa EUA ng kanilang bakuna laban sa CoVid-19 para ilaan sa grupo ng mga bata sa nabanggit na edad.

Ang FDA ng Estados Unidos, European Medicines Agency at iba pang bansa ay pinagkalooban na ng EUA ang Pfizer para sa mga batang may edad 5-11 anyos.

Sa hiwalay na panayam kay Domingo, sinabi niyang nagpahayag na rin ng intensiyon ang Chinese pharmaceutical firm na lumikha ng Sinovac na magsumite ng EUA para sa nabanggit na grupo matapos mapagsama-sama ang mga datos na magpapatunay na ligtas itong gamitin sa populasyon ng mga bata. Ang Sinovac ay kasalukuyang ginagamit ng China at Indonesia na pambakuna sa mga batang nasa pagitan ng 5-11 anyos.

Sinabi ni Robes, kung sakali at magsumite na rin ang Pfizer o ang Sinovac ng kanilang aplikasyon, nararapat madaliin ng FDA ang pag-aaral at pag-aproba sa naturang mga bakuna upang matiyak na may sapat na proteksiyon ang mga bata sa kanilang pagbabalik-eskuwela.

“Kaya ang aking panawagan sa ating FDA, kapag nag-submit ang mga vaccine manufacturers para sa edad 5 to 11 years old, sana’y madaliin na ang pag-aaral lalo ang mga vaccines na ginagamit sa nasabing age group sa ibang bansa. In the face of this Omicron variant, we owe it to our young children to give them a fighting chance before we allow them to go back to the confines of our educational institutions,” ani Robes.

Mahigit 100 pampublikong paaralan, kabilang ang 28 sa National Capital Region (NCR), ang pinayagan ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pagsubok sa face-to-face classes. Noong nakaraang linggo, ilang mga pampublikong paaralan sa elementarya ang nagsimula na ng kanilang face-to-face classes.

Sa hiwalay na pahayag, inianunsiyo ng DepEd ang kanilang plano na isama ang 177 paaralan sa buong bansa para sa limitadong face-to-face classes ngayong buwan ng Disyembre na tatagal hanggang Enero 2022.

About hataw tabloid

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …