Wednesday , August 10 2022
John Lloyd Cruz

Sitcom ni Lloydie sa GMA ‘replay’ ng Home Sweetie Home?

HATAWAN
ni Ed de Leon

“AKALA ko nagbalik na sa taping iyong ‘Home Sweetie Home’” ang kuwento ng isa naming kakilala. Kasi nga nang madaanan  niya ang taping ng ginagawang sitcom ni John Lloyd Cruz, ang nakita niyang iba pang kasali roon ay mga Kapamilya star. Hindi naman masasabing ”nag-balimbing” o “nagtalunan na sila sa Kamuning” dahil ang kontrata naman nila bilang kapamilya ay wala na muna dahil hindi nga nabigyan ng panibagong franchise ang network, at pinayagan naman silang tumanggap muna ng trabaho sa iba.

Pero dahil si John Lloyd nga ang bida, sitcom din, at halos pareho ang stars, pinagbibiruan nilang parang binuhay ang Home Sweetie Home na top rating noon sa Channel 2.

Iyang mga sitcom naman halos pare-pareho lang ang idea niyan, at kung sabihin nga, ”walang original na comedy,” dahil ano man ang kanilang gawin, tiyak na may una nang nakagawa. Pero ang paniwala naman namin, lalagyan nila iyan ng variation para hindi masabing replay lang sila ng Home Sweetie Home.

About hataw tabloid

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …