Saturday , October 5 2024

Lacson-Sotto panalo sa Visayas

121321 HATAW Frontpage

HATAW News Team


PINATUNAYAN ng tatlong araw na pag-iikot ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Nationalist People’s Coalition (NPC) chairman at vice presidentiable Vicente “Tito” Sotto III sa Visayas ang malakas at mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang tambalan.


Mula Biyernes hang­gang Linggo, magkaka­sunod na dumalaw sina Lacson at Sotto sa Cebu, Negros Oriental, at Northern Samar para makipag-dialogo sa iba’t ibang sektor at lokal na opisyal ng pamahalaan upang malaman ang kanilang mga problema na maaaring masolu­syonan kahit ngayong nasa Senado pa sila at hindi pa nahahalal na susunod na lider ng bansa.

Kabilang sa mga tinungo ng Lacson-Sotto tandem at mga senatoriables na sina Dra. Minguita Padilla at Guillermo Eleazar ang lalawigan ng Cebu na balwarte ng mga Garcia, sila’y nakatanggap ng tiyak na suporta buhat sa negosyanteng si Winston Garcia.

“Talaga namang mukhang nakuha na ng Lacson-Sotto tandem ang Cebu dahil narinig mismo natin na nagsabi si Winston Fiel Garcia na susuportahan ang tambalan nila,” banggit ni Partido Reporma treasurer Arnel Ty mata­pos ang pakikipagpulong ni Garcia sa Lacson-Sotto tandem.

Halos ganito rin ang naging situwasyon sa Negros Oriental dahil mismong si Sotto ang nagsabing si Lacson na ang magiging opisyal na kandidato sa pag­ka­pangulo ng kanyan­g par­tido sa buong lalawi­gan, sa isang press conference sa Dumaguete City.

“I, as national chairman, and Chiquiting Sagarbarria as the provincial chairman—we already informed our party mates that in Negros Oriental we are endorsing Senator Ping Lacson as our presidential candidate,” ayon kay Sotto.

Nakatitiyak naman si National Unity Party (NUP) chairman at dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno na masusungkit nila ang lalawigan ng Samar bilang balwarte ng kanyang partido.

Si Puno na batikang political strategist ang campaign manager ng Lacson-Sotto tandem habang si dating House Speaker at Davao Del Norte Congressman Pantaleon “Bebot” Alvarez ang namumuno sa Partido Reporma na kinaaniban ni Lacson bilang chairman.

Ayon naman kay Lacson, tagumpay ang kanilang pakikipag­pu­long sa iba’t ibang sektor at LGU dahil sa magandang programa na kanilang inihain.

Aniya, “They are very receptive doon sa aming platform, especially ‘yung empowerment ng local government units because, after all, they are based here, so sila rin ‘yung — magiging partners sila sa development and other livelihood programs.”

Sa mga ginanap na mga “Online Kumusta­han” sa tatlong lalawigan, inilatag ng Lacson-Sotto tandem ang kanilang isinusulong na Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) program na layuning maibaba sa mga local government unit (LGU) ang pondo ng national government upang magkaroon ng tsansa ang mga lokal na opisyal na maipatupad ang kanilang mga programa na nakaangkla batay sa kanilang mga pangangailangan at prayoridad.

About hataw tabloid

Check Also

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Arrest Posas Handcuff

Solar installer arestado sa baril, bala at droga

MATAGUMPAY na naihain ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang dalawang search warrant laban …

Redrico Maranan Jose Hidalgo Jr Rommel Marbil

Hidalgo nagretiro
 P/BGEN MARANAN GUMANAP NA BILANG BAGONG PRO3 CHIEF

PORMAL na nagretiro sa serbisyo si P/BGeneral Jose S. Hidalgo, Jr., at kompiyansang ipinasa ang …

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

THE Department of Science and Technology Region 12 (DOST XII) officially kicked off the 2024 …