Friday , January 21 2022

Sa buong mundo ngayon 2021
293 JOURNOS NAKAKULONG, 24 PINATAY

121321 HATAW Frontpage

ni ROSE NOVENARIO


UMABOT sa 293 journalists ang nagdurusa sa bilangguan at 24 mamamahayag ang pinatay sa buong mundo ngayong 2021, ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ).

“It’s been an especially bleak year for defenders of press freedom,” sabi sa kalatas ng New York-based non-profit organization.

Nanatili ang China bilang main offender sa nakalipas na tatlong taon na nagpabilanggo ng 50 journalists. Kauna-unahang napasama sa talaan ng CPJ ang Hong Kong bunsod ng pagpiit sa walong mamamaha­yag dahil sa implemen­tasyon ng National Security Law na ang secession, subversion, terrorism and collusion with foreign forces ay may parusang habambuhay na pagkabilanggo.

Habang ang Myanmar, may umiiral na military junta ay pumangalawa bunsod ng pagkulong sa 26 journalists mula nang ilunsad ang coup noong 1 Pebrero 2021.

Pahayag ng CPJ, ipiniit ang mga mamama­hayag dahil sa pro-democracy protests coverage at kinasuhan alinsunod sa “a vague anti-state provision that broadly penalises incitement and the dissemination of false news” may parusang tatlong taon pagka­bilanggo.

Nasa top five ang Egypt na nagpakulong ng 25 journalists, Vietnam ay 23 at Belarus ay 19.

Gaya sa Myanmar, karamihan sa mga mamamahayag na nakakulong ay dahil sa kanilang pro-democray protests at sa loob ng unang 15 araw ay hindi pa kinasuhan.

“CPJ has documented the beatings of journalists in detention as well as the authorities’ attempts to close media outlets, block the internet, raid newsrooms, harass journalists, and keep bringing new charges against those in jail. Many journalists have been detained multiple times,” pahayag ng CPJ

About Rose Novenario

Check Also

DOH Kalinga Kit

CoVid-19 home care kit suportado ni Bong Go

SUPORTADO ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Chairman ng Senate Committee on Health ang hakbangin …

P2.26-B NGP fund gamitin sa trabaho ng mga sinalanta ng bagyong Odette

“ANG bultong pondong P2.26 bilyon para sa reforestation ay dapat mapunta sa mga lugar na …

Presyo ng swab tests pahirap sa mahirap

“ANG presyo ng CoVid-19 swab test ay hindi nakaukit sa bato, at ang mga panuntunan …

Sa maigting na anti-illegal gambling ops
55 SUGAROL NASAKOTE NG QCPD

UMABOT sa 55 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa patuloy na anti-illegal gambling operations …

Gun Fire

Bagger binaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang bagger makaraang barilin ng hindi kilalang suspek habang …