Friday , December 12 2025

hataw tabloid

Crop circle, misteryosong lumitaw sa France

DINARAYO ngayon ng mga nag-uusing turista ang crop circle o crop formation na bigla na lang umanong lumitaw sa France. Mula sa itaas, tila makikita umano ang disenyo ng Templar cross. Sa YouTube video, sinabing isang magsasaka ang nakakita sa crop circle. Ang crop circle enthusiast na si Genevieve Piquet, nag­tungo sa lugar para maranasan ang pakiramdam ng nasa loob …

Read More »

Gatchalian nagbanta sa PLDT, Converge (Huling babala)

internet connection

IPINATAWAG ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang mga kinatawan Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) at Converge para bigyan ng ‘huling babala’ upang tugunan ang hinaing ng kanyang mga nasasakupan. Ito ay makaraang ulanin ng reklamo ang alkalde ukol sa koneksiyon ng internet mula sa mga Valenzuelano nitong nagdaang Kapaskuhan. Bago ito, sa social media ibinuhos ng alkalde ang …

Read More »

Fr. Badong: deboto spreader ng pag-asa hindi ng CoVid-19

IGINIIT ng pamunuan ng Quiapo Church na nasunod ng mga deboto ng Poong Itim na Nazareno ang health protocol sa pagdiriwang ng kapistahan sa kabila ng banta ng CoVid-19. Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilalang bilang Simbahan ng Quaipo, naging maayos ang daloy ng kanilang aktibidad nitong Sabado dahil …

Read More »

Pinakamalamig na klima sa panahon ng Amihan naitala sa Baguio (Sa temperaturang 10.4 °C)

NARANASAN ng lungsod ng Baguio ang pinakamalamig na umaga ngayong panahon ng Amihan nang bumagsak sa 10.4 degrees Celsius ang temperatura dakong 6:30 am nitong Linggo, 10 Enero. Dala ang malamig na klima ng umiiral na northeast monsoon o hanging amihan mula sa Siberia na mararanasan sa kalagitaan ng Enero hanggang Pebrero. Noong isang taon, naitala ang pinakamalamig na temperatura …

Read More »

Baguhang actor, namumunini sa project na para kay matinee idol

SINASABING malaki ang pagkakahawig ng baguhang male star sa isang dating sikat na matinee idol. Pogi rin naman siya talaga, at ang kaibahan, malinis siya sa katawan bukod pa nga sa katotohanan na wala siyang masamang bisyo. Ewan nga lang kung bakit hindi siya masyadong click sa fans. Siguro sabi nga nila, hindi lamang siya nabibigyan ng tamang breaks. Kaya naman nagpilit siyang …

Read More »

Roldan Castro, muling pamumunuan ang PMPC 3 sa kolumnista ng Hataw, opisyales

NAIHALAL na ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Naganap ang halalan noong  January  8, 2021 sa  opisina ng club sa Roces Avenue, Quezon City. Ang entertainment editor ng Abante Tonite na si Roldan Castro ang 2021 PMPC President. Ito ang pangatlong beses niyang panalo. Una siyang naging presidente noong 2009 at nasundan ito noong 2012. “Challenging ang pamumuno ngayong pandemya  kaya sana ay …

Read More »

P8.5-M shabu nasabat 2 tulak timbog sa PDEA (Sa Maguindanao)

DALAWANG hinahi­na­lang tulak ang naaresto at nakompiskahan ng tinatayang P8.5 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations sa lalawigan ng Maguindanao nitong Miyerkoles, 6 Enero. Sa buy bust operation na ikinasa sa Brgy. Dalican, sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, pasado 11:00 am, agad nadakip ang dalawang tulak matapos ibigay sa poseur buyer ang tinatayang 250 gramo ng …

Read More »

Gapo inmate pumuga sa escorts (Pulis pinagsisipa)

posas handcuff escape

TINAKASAN ng person deprived of liberty (PDL) na suspek sa ilegal droga at pagnanakaw ang kanyang police escorts nang huminto ang sinasakyang police mobile sa Subic Bay Freeport nitong Miyerkoles, 6 Enero. Sa panayam, sinabi ni P/Lt. Col. Preston Bagangan, deputy director for administration ng Olongapo City Police Office, dadalhin pabalik sa piitan ang hindi pinanga­lanang inmate matapos subukang marekober …

Read More »

Sanggol pinag-agawan ina patay sa boga ng dyowang ex-US Navy

gun shot

ARESTADO ang isang retiradong US Navy ng mga awtoridad matapos mapas­lang ang kaniyang kasintahang bagong panga­nak sa Brgy. Macayug, bayan ng Mangaldan, lalawigan ng Pangasinan. Kinilala ang suspek na si Rommer Gonzales, 40 anyos, isang retiradong US Navy, na nadakip sa kaniyang compound sa Brgy. Embarcadero, sa naturang bayan dakong 4:30 pm, nitong Miyerkoles, 6 Enero. Positibong kinilala si Gonzales, …

Read More »

Mayor ng Bocaue, konsehal, nagpositibo sa CoVid-19

Covid-19 positive

KINOMPIRMA nina Bocaue, Bulacan Mayor Jose Santiago, Jr., at Konsehal Aldrin Sta. Ana na pareho silang napositibo sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19), nitong Miyerkoles 6 Enero. Ani Mayor Santiago, nang sabihan siya na may nakasalamuha siyang taong positibo sa CoVid-19, agad siyang sumailalm sa swab test sa Joni Villanueva Molecular Laboratory (JVML) kung saan lumabas ang resulta noong Martes ng …

Read More »

Street dancing kanselado sa Sinulog

Cebu

SA GITNA ng mga pagkontra mula sa iba’t ibang sektor, napagdesisyonan ng Sinulog Foundation Inc. (SFI) na hindi na ituloy ang mga ‘physical activities’ para sa pagdiriwiang ng Sinulog Festival. Inianunsiyo nitong Huwebes, 7 Enero, ni Cebu City Vice Mayor Michael Rama, convenor ng Sinulog Festival, ang kanselasyon ng street dancing at grand ritual showdown na nakatakdang ganapin sa 17 …

Read More »

Ex-barangay kagawad todas sa rider (Sa Biliran)

gun dead

ISANG dating barangay kagawad ang namatay nang barilin ng hindi kilalang salarin sa bayan ng Naval, lalawigan ng Biliran nitong Huwebes, 7 Enero. Kinilala P/Maj. Michael John Astorga, hepe ng Naval police, ang biktimang si Romeo Berdida, 55 anyos, residente sa Brgy. Larrazabal, na tinamaan ng bala ng baril sa likod at noo. Ayon sa paunang imbestigasyon, kararating ni Berdida …

Read More »

Makeshift shabu lab sa Cainta sinalakay (Nabuko ng delivery rider)

shabu

SINALAKAY ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang laboratoryo ng ilegal na droga sa bayan ng Cainta, lalawigan ng Rizal, nitong Huwebes ng tanghali, 7 Enero. Ayon sa mga awtoridad, nagpa-book ang isang “Jose” sa isang door-to-door delivery service mula sa Brgy. San Andres, sa naturang bayan upang magpadala ng package sa …

Read More »

Tarot cards: Seven of Cups

HINDI kaaya-aya ang ‘Seven of Cups’ tungkol sa ilusyon at daya. Nag­pa­pakita na haharap ka sa tukso sa maraming aspekto ng iyong buhay. Gaya ng panloloko para sa pansariling kaligayahan o sa pera. Kalaunan, maiisip mo na nabubuhay ka sa ilusyon at makakaram­dam na pinan­lalabuan ka na ng pag-iisip. Kung paanong naka­baligtad ang pagkakaguhit ng ibang nasa larawan. Gayondin ang …

Read More »

Khabib inalok ng $100-M para harapin si Floyd

INALOK  ng $100-M si Khabib Nurmagomedov para harapin  si Floyd Mayweather, Jr.,  ka-agapay si  Dana White sa promosyon, pagsisi­walat ng manager ni Khabib. Si Ali Abdelaziz, manager at tumatayong representante ni Khabib sa kabuuan ng kanyang UFC career ay binuk­san ang isang proposal na huma-hamon sa nagretirong kampeon para labanan si Mayweather. Sinabi  ni Abdelaziz sa TMZ Sports:   “Listen, we …

Read More »

Garcia umakyat sa no. 2 ng lightweight rankings

IPINAKITA  ni Ryan Garcia ang pruweba bilang isa sa top lightweight  fighters sa ipinakitang impresibong performance  nang talunin ang The Ring’s No. 4 – rated contender na si Luke Campbell nitong 2 Enero. Sumampa si Garcia, rated No. 5 sa lightweight ng The Ring, bagay na kinuwestiyon ng hardcore fans at media dahil sa ipinakitang kakulangan sa kanyang laban sa …

Read More »

Radjabov bandera sa champions tour points

NANGUNGUNA  ngayon sa puntos si Super Grand-master Teimour Radjabov pagkaraang magkampeon sa katatapos na Airthings Masters. Lomobo  ang kalamangan ni Radjabov sa sume-segundang si GM Wesley So at sa iba pang Grand-masters dahil sa panalong iyon. Nasa ituktok ngayon ng $1.5-million Champions Chess Tour points rankings ang Azerbaijani chess player. Dahil sa unang major event ng 10-leg tour, ang Airthings …

Read More »

Usyk tatabi muna para sa bakbakang Fury-Joshua

UMAASA  si Anthony Joshua na tatabi muna  si Oleksandr Usyk at kalili­mutan ang ‘step-aside deal’ para mangyari ang bakbakang Joshua-Tyson Fury fight. Paniwala niya, si Usyk ay isang ma-katuwirang tao. Si Usyk, ang dating undisputed world cruiser-weight champion, ang WBO’s mandatory challenger. Una nang sinabi ni Paco Valcarcel, ang WBO’s president na dapat harapin ni Joshua si Usyk pag­ka­raang sagasaan nito …

Read More »

Lomachenko umaming nayanig sa suntok ni Lopez

BINIGYAN ng palayaw na “High-Tech” at “The Matrix” si Vasiliy Lomachenko—dahil napakahirap niyang tamaan  ng suntok sa loob ng ring. Ngunit  sa huling laban  niya kontra kay Teofimo Lopez, hindi pinansin ang moniker ni Loma­chenko. Sa kanyang talento sa loob ng ring ay tipong mas madali para sa kanya na patamaan ng lehiti­mong suntok ang Russian fighter. Umabot sa 183 total …

Read More »

Porn may negatibong epekto sa sex drive ng kalalakihan

MAS malaki ang posibilidad ng erectile dysfunction (ED) sa kalalakihan sanhi ng labis na panonood ng pornograpiya — kahit pa bata at malusog ang mahihilig manood nito, ayon sa bagong pag-aaral. Binatay ang mga resulta sa pag-aaral, na iniharap kamakailan lang sa virtual congress ng European Association of Urology, sa sinuring 3,267 kalalakihan sa Belgium, Denmark, at United Kingdom, na kinompleto …

Read More »

2 tumba sa pandemya sa Malabon

Covid-19 dead

DALAWA ang binawian ng buhay dahil sa CoVid-19 sa Malabon City nitong 5 Enero na sa kabuuan ay umakyat sa 233 ang COVID casualties ng siyudad. Ayon sa City Health Department, ang mga namatay ay mula sa Barangay Longos at Potrero. Samantala, 16 ang nadagdag na confirmed cases at 6,095 ang positive cases sa Malabon, 41 dito ang active cases. …

Read More »

Tarot cards: Card ng Eight of Cups

TUNGKOL sa hindi paggalaw at pisikal o mental na karamdaman ang card ng ‘Eight of Cups.’ Nagsasabi ng mahalagang mensahe ang card na ito na hindi na makabubuting manatili ka pa sa kasalukuyan mong kalagayan. Sa kadahilanang hindi na ito maaayos o walang pag-asa na maayos pa. Dapat ayusin ang sarili at magsimula muli, gaano man kabigat ang gagawin mo …

Read More »

Lalaki sa Olongapo natagpuang patay sa kanal

dead

NATAGPUAN ang isang lalaking wala nang buhay sa isang kanal sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales, nitong Miyer­koles ng umaga, 6 Enero. Kinilala ng mga awto­ridad ang bangkay na si Gener Ramos, 55 anyos, residente sa Brgy. Maba­yuan, sa naturang lungsod. Nadiskubre ang katawan ni Ramos dakong 6:30 am sa isang kanal malapit sa outpost sa Barangay Gordon Heights. …

Read More »

Sunog sumiklab sa Zambo City 100 pamilya nawalan ng tirahan

fire sunog bombero

HINDI bababa sa 100 pamilya sa Brgy. Tetuan, sa lungsod ng Zamboanga, ang nawalan ng tirahan nang masunog ang kanilang mga bahay pasado 11:00 am, kahapon, 6 Enero. Ayon kay Maria Socorro Rojas, city social welfare and development officer, pansamantalang sumisi­long ang mga apektadong pamilya sa isang paaralan. Matatagpuan ang baha­yang tinupok ng apoy katabi ng planta ng softdrinks tatlong …

Read More »