Wednesday , November 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P2.2-B Clark road target ng ‘the group’ sa Palasyo

PINANGANGAMBAHANG mala­king halaga ang mapapa­sakamay ng ‘isang malaking grupo’ na sinabing makapangyarihan sa Malacañang at maimpluwensiya sa administrasyong Duterte, kapag nakopo ang P2.2 bilyong proyekto para sa 4-lane connector road mula sa Clark City hanggang sa Industrial Park sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon sa source, iginigiit ng tinaguriang ‘The Group’ sa palasyo, ang proyektong binubuo ng 8.8-kilometrong 4-lane connector road ay dapat mapunta sa mga bidder na ‘hawak’ nila.

‘Kinokompirma’ ng source, kung pasok sa mga bidder ang kompan­yang EML, Lucky Star, at SONA.

Pinaniniwalaan ng source, kung kasama sa bidders ang EML, Lucky Star, at SONA, malaki ang tsansa na sila ang makakuha ng P2.2-bilyong proyekto dahil sila umano ang alaga ng ‘The Group’ sa palasy0.

Sa pamamagitan ng sistemang joint venture agreement (JVA) ipinasok ang proyekto upang pumasa ang mga nasabing kompanya sa requirements na inilatag ng Bases Convention and Develoment Authority (BCDA), ang pangu­nahing ahensiyang nag­plano at nais maisagawa ang proyekto para sa ikauunlad ng Clark.

Ang bidding ay pangangasiwaan ng Department of Budget and Management (DBM) kasama ang BCDA para sa paggagawad ng P2.2 bilyong proyekto.

Ang ginagawang pangongopo ng ‘The Group’ ay pinanini­wa­laang taliwas sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, kabilang ang mga itinalagang opisyal, na labanan ang korupsiyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Simula noong naka­raang taon (2020), buwan ng Nobyembre, bago pa inianunsiyo ang bidding sa proyekto, kumilos ang nasabing grupo upang maisali ang mga pina­paboran nilang komp­anya.

Ang BCDA ay matatandaang nilikha sa ilalim ng Republic Act No. 7227 at naamiyen­dahan sa Republic Act 7917 ay may mandatong palitan sa kapaki-pakinabang na paraan ang mga dating base militar sa bansa upang mapagkunan ng pag­kakakitaan para sa pamahalaan.

Kabilang dito ang Clark Airbase at mga kampo militar sa Metro Manila na sa ngayon ay tinatawag na Bonifacio Global.

Maaaring ipagbili ng BCDA ang mga pag-aaring ito ng gobyerno o palitan ng paggagamitan na makapagbibigay, hindi lamang ng kita para sa pamahalaan, kundi makapagdulot din ng kaunlaran at magiging produktibo sa lugar kung saan matatagpuan.

“Ngunit sa mga miyembro ng maimplu­wensiyang ‘The Group’ sa Malacañang, nanga­nganib ang mga proyekto para mapaunlad ang mga pasilidad kung sa ma­anomalya at kuwesti­yonableng ‘bidder’ mapupunta ang proyekto ng BCDA,” timbre ng source.

Aniya, “kung hindi malalantad sa publiko ang layunin ng ‘The Group’ na kopohin ang P2.2-bilyong project, malalagay sa alanganin ang administrayong Duterte at magkakamal ng malaking halaga ng salapi para sa kanilang mga sariling kapakina­bangan ang mga ‘tiwaling sabit’ sa palasyo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaldy Co Goitia

Goitia sa mga Pahayag ni Zaldy Co: “Part 2 na, Wala Pa Ring Matibay na Ebidensya”

Ang ikalawang video ni Rep. Zaldy Co ay halatang idinisenyo upang makalikha muli ng ingay. …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …

Vince Dizon PBBM Zaldy Co Ping Lacson

Akusasyon ni Co vs PBBM imposible — Lacson, Dizon

TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways …