Sunday , December 29 2024

hataw tabloid

Eddie at Tony, wagi sa Worldfest-Houston Int’l Filmfest

APAT na Filipino films ang nagkamit ng international recognition sa ika-52 Worldfest-Houston International Film Festival na ginanap noong Abril 13 sa WorldFest Remi Awards Gala sa HQ Westin Hotel sa Houston, Texas. Ang period film ng ABS-CBN na Quezon’s Game ni Matthew Rosen ay nag-uwi ng Best International Feature at ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 Best Picture na …

Read More »

Marcela Santos, Tita ng Bayan na may Puso

NAPAKARAMING magagan­dang katangian ang tinaguriang Tita ng Bayan na si Marcela “Tita Cel” Santos. Napakababa ng loob at handang tumulong kahit walang kapalit, hindi mayabang at hindi puro puro daldal. Maliban sa mga ito malapit ang puso sa mga tao at madaling lapitan. Tumatakbo si Tita Cel bilang konsehal sa Apalit, Pampanga. Maraming magagandang plataporma sa mga mamamayan ng naturang …

Read More »

Payo ng mga nanay ng Otso Diretso sa kapwa ina: Iboto ang maninindigan vs pagbabanta at bullying

HINDI nakaranas ng birthday party si Pilo Hilbay noong kabataan niya. Sabi ng kaniyang inang si Nanay Lydia, malimit si­yang pasaringan ng kani­lang mga kapitbahay sa Tondo na Ilokano umano kasi sila kaya hindi niya maipaghanda si anak. Hindi nila alam na wala lang talaga silang sapat na salapi para sa luhong ito. Malimit paluin ng kani­yang ina si Samira …

Read More »

500 Corrupted SD cards, papalitan ng Comelec

TATLONG araw bago ang halalan sa 13 Mayo, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na hindi bababa sa 500 Secure Digital (SD) cards ang corrupted. Gagamitin ang SD cards upang paglagyan ng encrypted image ng mga balotang ipinasok sa vote counting machines (VCMs) sa mismong araw ng halalan. Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang press briefing na sa …

Read More »

Pribadong kontrata ng public markets kakanselahin ni Lim

KAKANSELAHIN ng nagba­balik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim ang lahat ng kontratang nagsapribado sa mga pampublikong palengke ng lungsod upang mapro­tektahan sa mataas na baya­rin ang stall owners, vendors at mga residenteng namimili ng kanilang kaila­ngan sa araw-araw. Kaugnay nito, tiniyak din ni Lim na kanyang ibababa ang singil ng mga bayarin sa stall owners at vendors nang …

Read More »

Water allocation sa Pampanga at Bulacan babawasan ng NWRB

tubig water

IPATITIGIL simula 16 Mayo ang alokasyon ng irrigation water sa Pam­panga at Bulacan mula sa Angat Dam dahil sa kritikal na pagbaba ng antas ng tubig na naipon sa nasabing dam simula noong nakaraang linggo, ayon sa National Water Resources Board (NWRB). Sisimulan ng NWRB ang pagbabawas ng alokasyon sa irigasyon sa nasabing mga lalawigan mula sa 3,450 milyong litro …

Read More »

Nagtatapon ng wastewater sa Marikina River, huhulihin ng PRRC

Nagsasagawa ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ng masusing imbestigasyon sa sinasabing ilegal na pagtapon ng wastewater sa Marikina River. Ikinasa ang opera­syon nang mai-tag ang mga opisyal ng PRRC sa Facebook viral video na ipinaskil ni Abdusalla Monakil, isang concerned netizen, na makikitang nagdidiskarga ng kemikal na isang ebidensiya ng liquid waste pollution sa Marikina River. Dahil pangunahing tributaryo …

Read More »

Suporta kay Coco Martin, APPL umapaw… Ang Probinsyano partylist ‘panalo’ sa Bohol, Cebu

DAHIL sa sobrang gigil sa kanilang iniidolong action superstar na si Coco Martin ay hindi na napigilan ang mga tao nang dumugin habang nasa isang rally sa lalawigan ng Bohol upang ikampanya ang #54 Ang Probinsyano Partylist. Nagkaroon ng maliit na galos ang kanang pisngi ni Coco matapos akyatin at pilit siyang hawakan ng mga naghihi­yawang fans habang sumasayaw at …

Read More »

JV sumuko na

MISTULANG sumuko na sa laban sa 13 May0 2019 midterm elections si reelectionist Senator JV Ejercito matapos niyang iasa sa milagro ang kandidatura sa pagka-senador. Sa twitter post kaha­pon ni JV, isang maka­hulugang kataga ang kanyang binitiwan na nagdulot ng alinlangan sa kanyang mga taga­suporta. “I would need a miracle to win a seat back,” bahagi ng post sa Twitter …

Read More »

Kawani ng kapitolyo, idiniin si Jonvic sa vote-buying sa Cavite

ISANG kasalukuyang empleyado ng Kapitolyo ng lalawigan ng Cavite ang lumutang upang sabihin na magmula Oktubre 2018 ay sinimulan na ng kampo ng tumatakbong gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla ang vote-buying gamit ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng isang programang tinatawag na “Lingap sa Kalikasan.”  Sa isang press con­ference, sinabi ng ‘whistle­blower’ na siya mismo ay may …

Read More »

ACT-CIS party-list ng Tulfo Bros una sa SWS survey 

NANGUNGUNA na ang ACT-CIS party-list ng Tulfo brothers ayon sa pinaka-latest survey ng Social Weather Station (SWS). Sa survey na isinagawa noong 28 Abril hanggang 3 Mayo ng SWS, number one na ang ACT-CIS party-list sa 134 iba pang party-list. Ayon sa Final Pre-election survey ng naturang survey group, pinili ng mas maraming respondents ang ACT-CIS kaysa ibang party-list. Ang …

Read More »

Sabi ng COA: Sandoval Foundation maraming violations

BATAY sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA) noong 2012, kaliwa’t kanang pagla­bag sa mga reglamento ang naitala ng Pama­malakaya Foundation, Inc., na inendoso ni Malabon Rep. Ricky Sandoval para tumang­gap ng P20-milyong halaga ng cash-for-work project ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Seryosong paglabag din na mismong asawa ni Ricky na si Vice Mayor Jeannie Sandoval ang …

Read More »

Yvette Ocampo, patok sa endoso ng Iglesia Ni Cristo

OPISYAL nang inendoso ng Iglesia Ni Cristo si Yvette Ocampo, kandi­dato sa pagka-kongre­sista sa ika-6 na distrito ng Maynila, kasama ng kan­yang kapatid na si Chikee Ocampo na tuma­takbo naman sa pagka-konsehal sa nasabing distrito. Si Yvette ay bunsong anak ni dating congress­man Pablo Ocampo ng Maynila at kapatid ng kasalukuyang kongre­sista na si Sandy Ocampo na magtatapos sa kan­yang …

Read More »

Katoliko, Muslim todo-suporta kay Bingbong (All-out support sa pagka-mayor)

HALOS hindi magkamayaw na naglabasan mula sa iba’t ibang distrito ng Quezon City ang mga Katolikong nag­nanais na ipakita ang kani­lang buong suporta para kay mayoralty candidate Vincent “Bingbong” Criso­logo mula sa kanyang paglili­bot sa kampanya. Naglalabasan ang sup­porters ni Crisologo bitbit ang iba’t ibang banners at placards na sumisigaw na panahon na ng tunay na pagbabago at wakasan na …

Read More »

Belmonte inendoso ng INC (Top pa rin sa survey)

PORMAL nang inendoso ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pagka-alkalde ng Quezon City si vice mayor Joy Belmonte kasabay ng pamamayagpag sa iba’t ibang survey. Nagpahayag ng pasa­sa­lamat si Belmonte sa pamunuan ng INC sa pag-endoso sa kanyang kandidatura. “I was informed on Monday that INC will support me and majority of the candidates in my slate. This is very, …

Read More »

Roxas may binalasubas?

NABUNYAG sa memo­randum ng Department of Interior and Local Government (DILG) na baon sa utang si Liberal Party president Manuel “Mar” Roxas sa ilang campaign service pro­viders ngunit tumangging bayaran ang milyon-milyong pisong pagkaka­utang sa kanila sa ser­bisyong ipinagkaloob sa presidential elections noong 2016.     Sa memorandum na may pamagat na “Manuel Araneta Roxas II—2016 Elections Undeclared Campaign Expenditures” nitong …

Read More »

Plunder inihain vs Alvarez

SINAMPAHAN ni Jefrey Cabigon si dating Speaker Pantaleon Alvarez ng 1st District ng Davao del Norte, ng kasong plunder mula sa mga ilegal na transaksiyon, kickbacks at kita na sinabi niyang personal na nasaksihan sa dalawang taong pagiging close-in security ng mambabatas. Sa complaint-affidavit na natanggap ng Ombudsman-Mindanao nitong 6 Mayo 2019, sinabi ni Cabigon na siya ay nautusan at …

Read More »

Vote-buying sa Albay talamak

DESMAYADO ang ilang residente ng District 3 sa Albay kasunod ng balitang isang malawakang vote-buying ang kasalukuyang ginagawa ng kampo ni Fernando Cabredo, kandidatong congressman. Ang vote buying ay posibleng maparusahan ng pagkabilanggo ng isa hanggang anim na taon. Isang barangay chair­­man ng nasabing distrito, ang nagsabing namahagi ang kampo ni Cabredo ng P500 bawat botante upang maka­kuha ng suporta …

Read More »

Cotabato mayoralty bet, pinopondohan ng ISIS?

MATINDI ang hangarin ng isang mayoralty bet ng Cotabato City na ma­na­lo sa eleksiyon nga­yong darating na 13 Mayo dahil nagmumula na umano sa inter­national terrorist group na Islamic State of Iraq & Syria (ISIS) ang cam­paign funds matiyak lang ang panalo sa elek­siyon. Itinuro ang kandi­dato na isang congress­woman Bai Sandra Sema, ina umano ng kom­pirmadong ISIS na si …

Read More »

Lahat ng senior citizen magkakapensiyon — Grace Poe

KAPAG muling mahalal sa Senado, isusulong ni Sena­dor Grace Poe ang panu­kalang batas upang mabig­yan ng pensiyon ang lahat ng mahihirap na naka­tatanda o senior ci­tizens sa bansa. Ipinangako ito ni Poe sa mga residente ng Bayam­bang, Pangasinan nang mangampanya kama­kalawa, 7 Mayo, kasama ang aktor na si Coco Mar­tin ng  ‘Ang Probin­syano.’ “Ngayon, sa mga senior citizen naman, ipinapaalala …

Read More »

Mar Roxas ‘bumulusok’ sa survey

PATULOY ang pagbag­sak ng rating ni Otso Diretso Senatorial bet Mar Roxas batay sa inilabas na resulta ng iba’t ibang survey para sa magic 12 ng May 2019 senatorial election. Hindi nakuhang uma­ngat sa rating o maka­pasok man lang sa Magic 12 ni Roxas batay sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station. Sa pinakahuling sur­vey ng Pulse, …

Read More »

Paglagda sa Energy Efficiency Act… Aprub sa MKP

MALIGAYANG tinang­gap ng Murang Kuryente Party-list (MKP) nitong Miyerkoles ang paglagda sa Republic Act No. 11285 o ang Energy Ef­ficiency and Con­servation Act, na naglalayong mapalawig ang paggamit ng renewable energy upang matiyak ang kata­tagan ng power supply sa bansa. Sa batas na nilagdaan noong 12 Abril 2019 at inilabas nitong Martes, may mandato ang De­part­ment of Energy (DOE) upang …

Read More »

Sa Meralco sweetheart deals… ERC officials binalaan ng Bayan Muna

electricity meralco

NAGBABALA ang Bayan Muna laban kay Chairman Agnes Deva­nadera ng Energy Regulatory Com­mission na ihahabla sakaling hindi ipawalang-bisa ang sweetheart deals ng Meralco at sister companies nito. Ayon kay dating kongresista at ngayon ay kandidato para senador na si Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, nakatangap sila ng impormasyon na hahayaan ng ERC ang sweetheart deals ng Meralco sa …

Read More »

Brigada Eskwela ng Balucuc HS, sisimulan na

TULOY-TULOY ang Brigada Eskwela sa Balucuc High School na magsisimula sa May 20 hanggang Mayo 25, 2019. Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan, ang tema ng brigada. Nakatutuwa dahil maraming guro ng eskuwelahan sa pangunguna ng Principal na si Sheryl C.Dela Pena, Resource and Mobilization Coordinator Rosemarie C.Sarmiento, at BE Coordinator Renzi Jae S. Dela Cruz ang nakikipagkaisa kasama ang mga estudyante ng paaralan sa magandang layuning ito. …

Read More »