Tuesday , January 31 2023
Beatrice Luigi Gomez

Beatrice Luigi Gomez paborito sa 70th Miss Universe competition

KASAMA si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa listahan ng mga matutunog ang pangalan sa nalalapit na 70th Miss Universe Competition, na mapapanood ng LIVE ng mga Filipino sa Lunes (Disyembre 13) sa A2Z Channel 11,  7:30 a.m..

Nasa ikawalong puwesto si Beatrice sa “First Hot Picks” lists ng tanyag na beauty pageant website na Missosology, kasama ang iba pang mga kandidata na agad nagpakita ng husay pagkarating pa lang nila ng Eilat, Israel na gaganapin ang koronasyon.

Bukod sa kanyang angking ganda, patuloy na umaangat din ang personalidad ng Cebuana beauty, na abala pa rin sa kanyang paghahanda. Sa ulat ni Dyan Castillejo para sa TV Patrol kamakailan, inamin ni Beatrice na tinitingala niya ang kasalukuyang Miss Universe na si Andrea Meza ng Mexico pagdating sa pagharap sa kompetisyon.

“Lahat ng kalahok noong nakaraang taon ay magaganda at matatalino. Pero kung may isang bagay na natutunan ako mula kay Ms. Andrea Meza, ‘yun ay ang pagiging totoo niya sa kanyang sarili at mahalagang maging kung sino ka talaga,” ani Beatrice.

“Ang pagiging si Bea Luigi Gomez ang kanyang pinakamalaking sandata,” sabi naman ni Miss Universe Philippines Organization director for communications Voltaire Tayag sa nasabing ulat.

“Bukod sa pagiging unang kandidata na bukas sa kanyang pagiging bisexual, miyembro rin siya ng Philippine Navy Reserve at isa ring volleyball player at community development worker. So, napakaraming parts na napaka-interesting niyang tao,” paliwanag ni Voltaire.

Nangunguna rin sa mga listahan ang mga delegado mula sa Japan, Chile, Puerto Rico, Brazil, Venezuela, Spain, India, Colombia, at Paraguay.

Muling nakipagtulungan ang ABS-CBN sa Miss Universe para ihatid ang pinakamagandang araw sa universe sa mga Filipino. Panoorin at suportahan si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice ng  LIVE sa Disyembre 13, 7:30 p.m. sa A2Z channel 11 at may same day replay ng 11:00 p.m.. Panoorin muli sa Kapamilya Channel ng Disyembre 19, 10:30 p.m. at Metro Channel sa Disyembre 20 (7:00 p.m.), sa December 22 (1:00 p.m.), at December 25 (10:00 p.m.). Ii-stream din sa iWantTFC ang mga replay.

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Mag-inang Sylvia at Arjo wagi sa 35th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente PINANGUNAHAN nina Aiko Melendez, John Estrada, at Pops Fernandez ang mga bituin sa 35th …

Dina Bonnevie

Dina nagparinig sa dapat ginagawa sa cake

I-FLEXni Jun Nardo NAGPASARING si Dina Bonnevie sa nakaraan niyang birthday celebration. Isang server ang nagdala ng …

blind item woman

Character actress sa gabi naliligo para itago ang peklat sa hita at binti 

I-FLEXni Jun Nardo SA gabi pala madalas maligo ang isang character actress. Nalaman ang ugaling ito …

Blind Item, Mystery Man, male star

Male star mas feel lagi na sa probinsiya ang booking

ni Ed de Leon MAS gusto raw ng isang bagets na male star na kung sakali at …

Roderick Paulate

Apela ni Kuya Dick sa Sandigang Bayan ‘di kinatigan

HATAWANni Ed de Leon SIGURO nga maraming tao sa showbusiness ang concerned sa kilalang actor …