Wednesday , August 10 2022
Juliana Parizcova Segovia, Dennis Padilla, Janno Gibbs, Andrew E

Pagbibida ni Juliana Parizcova Segovia naudlot

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

NILINAW ni Juliana Parizcova Segovia na wala siyang sama ng loob sa hindi pagkakasama niya sa title role ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige nina Andrew E, Dennis Padilla, at Janno Gibbs ng Viva Films na idinirehe ni Al Tantay at mapapanood na sa December 31 sa Vivamax.

Plano pala talagang kasama si Juliana sa title. Actually, ang original title nito ay  Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo, Sang-gay ngunit bigla itong nabago at natanggal ang “Sang-gay”  na tumutukoy sa kanyang karakter.

Paliwanag ni Juliana, ”Nag-usap kami ni Direk Al Tantay noong last shooting day namin. Originally kasi ang title ng movie is ‘Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo, Sang-gay.’ ‘Yun ang original title ng movie, ‘yun ang binuo ni Direk Al.

“Hindi ko alam kung ano ‘yung nangyari, pero siyempre kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko nandoon talaga sa title ang karakter ko na Sang-gay.

“For me, isang napakalaking karangalan na mapasama, pero alam ko na may reason behind kung bakit nabago siya.

“Siguro, in God’s perfect timing, magkakaroon din ako kapag nagkasama-sama ulit kami, na nandoon na sa title ‘yung role ko,” mahabang paliwanag ni Juliana na isang lalaki ang ginampanang karakter sa pelikula.

Iginiit din ni Juliana na wala siyang sama ng loob sa Viva dahil sa nangyari. Bagkus, abot-langit ang pasasalamat niya sa Viva  dahil patuloy siyang binibigyan ng projects.

Natutuwa rin si Juliana na nakasama niya sa pelikula ang mga veteran at lodi ng komedya na sina Andrew E., Dennis, at Janno.

Saksihan sina Andrew E., Dennis, at Janno sa panggo-goodtime kasama sina Pepe Herrera at Juliana gayundin ang kanilang special resort guests na sina Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, at Angela Morena sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige sa Vivamax simula sa Dec. 31, 2021.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …

Cloe Barreto

Cloe aminadong baliw sa pag-ibig — Walang bawal, bawal!

MA at PAni Rommel Placente SI Sean de Guzman ang bida sa pelikulang The Influencer mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions. …

Josef Elizalde Cara Gonzales Ava Mendez Rob Guinto Kat Dovey Stephanie Raz Quinn Carrillo

Josef mangangabog, hari ng Vivamax

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na kaiinggitan ng mga barako si Josef Elizalde dahil anim ang …

Lovi Poe Janine Gutierrez Sleep With Me

Janine natorpe, kinilig kay Lovi

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kina Lovi Poe at Janine Gutierrez ang relasyong same sex pero nilinaw …

Imee Marcos FAMAS

Senator Imee nag-uwi ng FAMAS award

ISA na namang pabolosong weekend na puno ng nostalgia at good vibes sa pinakabagong vlogs …